Kailangan ka ba talaga?

Ang subject na Rizal, Science, Araling Panlipunan at kung anu-ano pang subject na kailangan mong maipasa para makatapos ng elementary, high-school at college.

Ang tanong ko lang, kailangan ba talaga ang mga ito sa kursong iyong kinuha? halimbawa ikaw ay isang nars sa ospital, tatanungin ba ng iyong paseyente kung kilala mo si rizal o kung alam mo ang buong pagkatao ni rizal?

Kung ikaw ay isang I.T. sa isang company kapag ba na-virusan ang pc mo gumagamit kaba ng biology anti-virus ? o tatanungin kba ng computer mo kung alam mo ang ibig sabihin ng H2O?

Napakaraming subject sa skwelahan ang hindi naman kailangan sa iyong kurso, pampalaki lang ito sa tuition na binabayaran mo. OO hindi ako naka graduate ng 2 year course dahil kay rizal masyado na akong naiirita sa kanya. Natapos ko na ang el fili at noli noong ako’y nasa high school pero kailangan parin daw kaming mag tagpo  sa College. 1st day of school Tinanong ko ang teacher ko noon sa Rizal noong nasa college pa ako, “Ma’am bakit kailangan pa ng subject na rizal gayong natapos ko na ito nung high-school ako” , simple lang sagot sakin “Kung ayaw mo ng subject na rizal, dalawa ang pintuan makakalabas kana”. Ganoon nga ang ginawa ko dahil sa mga WALANG KWENTANG SUBJECT at alam ko namang hindi ito makakatulong sa kurso kong Computer Science, nilayasan ko siya.

After 2 years yung mga ka batch ko naka graduate na at karamihan nag ta-trabaho sa SM bilang sales-lady or waiter. Nasan na ngayon yung mga subject na ipinasa nila? nakatulong ba ito sa kanila? tinulungan ba sila ng PE 1,2,3,4 para magkaroon ng trabaho?

Isa akong OFW ngayon at nagtatrabaho sa isang Factory sa labas ng bansa bilang IT, peke rin ang mga diploma ko. Maraming salamat sa aking experience at aking kumpare na si Patrick at natuto ako sa computer ng hindi  tinapos ang subject na Rizal. Hindi ako nagsunog ng kilay at konti lang din ang natutunan ko sa skwelahan noon tungkol sa computer ni hindi nga kami tinuruan kung paano ang mag format ng pc.

Ngayon tanging Manual at self-study ang ginagawa ko para matutunan ang program na binili ng company namin sa kung sinong hindi ko kilala. Pero kung marunong ka naman umintindi at meron ka namang konting kaalaman sa computer madali mo itong matututunan.

Dapat na sigurong alisin ang mga subject na hindi naman talaga kailangan sa iyong kurso, dagdag assignment, project, exam, recitation at tuition lang ito para sa isang mag-aaral. Hindi ko alam kung sinong tanga ang naglagay ng mga subject na ito.

 

About ejaybasaliso

bago lang po ako sa pagsusulat. pag tiyagaan ninyo na lang :)

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author ejaybasaliso

  • FattyGirl

    I understand what you mean , tama ka nga naman dapat na nating baguhin ang sistema sa pag-aaral.

    Pabalik-balik na nga lang ang tinuturo sa School wala ng pagbabago. Yung mga naturo na nung elementary ituturo ulit sa HS.

    • did you listen well to your teachers in HS and college? were you able to decipher the changes in tone and the varying levels of information disseminated from grade school to college?

    • Kamote

      Sumangayon ka sa baluktot na paniniwala ng nag sulat? hahaha.
      author,
      Ano bang mali sa pag aaral ng mga bagay bagay na walang kinalaman sa kung anong prefession meron ka? Sumasalamin lang ito ng iyong katamaran, mareklamong buhay at walang silbing pananaw sa buhay. hahaha… ang mean ko noh? totoo yun, ibig sabihin, wala kang alam at nag papanggap ka lang na kung sinong matalinong pilato. 😀
      bata ka pa, ibahin mo ang pananaw mo nang sa huli makita mo ang halaga ng sinasabi mo.

  • ennavify

    So isa ka rin sa mga taong kapag tinanong kung ano ang meron sa bansa mo, saan ka nanggaling, paano nagsimula ang tao, paano ka nabuo, kamusta ang kapligiran mo at kamusta ang ekonomiya ng bansang pinanggalingan mo, WALA KANG MAISASAGOT! basic subjects nalang nga ayaw mo pa tutunan, pano ka pa sa major subjects? ANG TOONG TANONG PAG ITO BANG MGA SUBJECT NATO EH PAG AARALAN MO, MABABAWASAN BA PAGKATAO MO??? Hindi di ba? So why complain. Wft.

  • ennavify

    I get your point, and those questions you asked, I did ask them too. Pero alam mo, maiintindihan ko naman kung wala kang pambayad sa school, or kung wala kang ibang means to study. Pero kung meron naman bakit ka pa magrereklamo? May madadagdag naman sa kaalaman mo, hindi naman umuulit lahat, may mga naituro sayo ang guro mo noong college student ka na hindi naman naituro nuong high school student ka. Yang mga pangangatwiran mo, at sa paraang pinagmalaki mo pa na NASA IBANG BANSA KA AT NAMEKE KA NG PAPELES MO NA BINANGGIT MO PA ANG PANGALAN NG KAIBIGAN MO, EH SA TINGIN KO, PAG IISIP YAN NG TAONG HINDI MARUNONG PAGHIRAPAN YUNG MGA PANGARAP,GUSTO MO KASI YUNG MADALIAN, YAN ANG MAHIRAP SA IBANG TAO, GUSTO NIYO PALAGING “INSTANT!” yung mga taong ganyan hindi umaasenso! Sana pinagisipan mo muna mga sinulat mo. Hindi lahat ng pinaniniwalaan mo tama!

  • emit_remmus

    ito ang isang halimbawa ng sakit ng bansa natin ang kahirapan. cguro kailangan pa natin ng isa pang rizal?

  • proudwolf

    As far as i know kahit sa US pinag aaralan si Jose Rizal. Think about it, bakit ganon sya kahalaga. Even me disaappointed nung college, but when i started to read the life of our famous National Hero, ikakarangal mo dahil pinoy pala sya, e sobrang colonial mentality ang laman ng utak ko non. Nakakabilib yung galing nya pero inalay nya lahat sa Pilipinas. Naisip ko na di naman ako kelan magiging Kano, English o anumang nationality kaya mahalin ko na ang bayan natin. Ayoko i suggest na basahin mo buhay ni Rizal, its like a double edge sword for you. If you study it, magiging ganap ang pag ka pinoy mo. The sad part it, manghihinayang ka habang buhay sa isang desisyon na nagawa mo noong nasa college ka pa.

  • Ubengbaka Joy

    Wag mo na din alamin kung san ka pinanganak, sino at ano mga magulang mo, pano ka lumaki o ang history ng pagkatao mo. wala naman maitutulong sa IT yan di ba?

    okay yan thinking na yan para hindi mo na din alam bakit ganito ang bansang Pilipinas o ang mga Pinoy.

    Sana wag din dumating ang panahon na tanungin ka ng mga mamkakasalamuha mo dyan sa bansang pinatratrabahuan mo about being Filipino. Because you might put the Filipinos and the Philippines in a bad light.

  • Timangkey

    Oh yeah right… taking that from someone who just posted that he is in a Foreign Country AND he USED FAKE CREDENTIALS. not a bright move in my opinion.

  • Gamila Tarek

    Iho…kabayan…….lahat ng mga ito sa ating buhay maski hindi natin kailangan ito para maka pag tapos tayo maski papaano…………..ay dadaanan natin itong lahat…….ito ay “protocol” ng isang mag aaral…..kasi pag hindi tayo naka pasa sa mga subjects na iginawad ng Department of Education……hindi natin makakamit ang dimplomang minimithi natin na basehan na tayo ay nag nag tapos sa isang kurso at itoy kailangang kailangan nating ipa mukha sa ating pag hahanap ng trabaho na tayoy meron natapos na kurso……walang company ang tatanggap sa iyo na bibigyan ka ng magandang sahod kung wala kang natapos……. “PROTOCOL ng buhay” iho!

  • marckyztah

    grabe, and your proud to say your a Filipino???
    magaling lang kasi ang karamihan sa mga pilipinong pumuna, mangutya at mambatikos ng kapwa…
    ang mga subjects na yan, khit mukhang wala silang kwenta sa paningin ng karamihan, e malaki ang tulogn nila sa mga taong may pakialam sa kanilang kapaligiran…like the ways and life of Rizal,it teaches us Filipinos the right values and made us all realize that we could all be a hero, Rizal is but a common Filipino who uses his talents in an unconventional way…at siya ang ating national hero, iyon pa lang sapat na para pagaralan ang buhay niya…
    Most of the colleges and universities here in the Philippines offers basic education for the first two years in college and those major subjects in the succeding year…kumbaga, foundation muna sa unang 2 taon bago ka sumabak sa mga major subjects mo…so kung ung mga minor subjects eh alangan ka na, wala ka ng karapatang magpatuloy pa sa mga major subjects…

    this article really caught my attention that I have to register in this site just to put a comment…

    hello!?!

    hindi rason na ayaw mu yung subject para mawala na siya sa curriculum…pwede nmang sumunod na lang dba???ayon nga sa isa kung idol na CPA reviewer, “may mga pagkakataong hindi mu na kailangang magtanung, ang kailangan mu na lang gawin eh SUMUNOD!!!”..

    hindi nman siguro mahirap ang isang sem na pagaaral sa mga iyon, and to think na iyon ay nasa curriculum na ginawa ng mga dalubhasa, tiyak may rason kung bakit natin iyon pinagaaralan…

    sorry kung mejo napahaba ung comment ko, I just thought that we Filipinos should change our perception to things in our surroundings, we should look first on the good side of things before questioning it’s flaws…in the first place, you are a Filipino and you should just be proud of being one…

    at sana wag mu nang ipagmalaki na peke yung mga papeles/dokumento mo…its such a shame in this site…

  • vincere74

    I’m glad to see somebody this young who already realize that the system of education he is getting needs improvement. It took me 20 years to do what he did. But even back in college, I was wondering why my engineering course took me 5 years while the same course took only 4 years at U.P. That’s one more year that my parents have to pay for tuition, books, bus fare, baon, etc. That’s one more year that I’m spending in school while those who graduated one year earlier are already being useful to the industry, society, and to his/her family.
    I looked back at some of the useless subjects that I took in college and realized that those should have been taken in high school, like Rizal Course, Humanities, Spanish, New Constitution, English Writing, and the most useless of all, ROTC. That was half a day on Sunday for 2 years, about 40 days of my life doing nothing just baking under the sun.
    So, for those of you who accused the original writer of ignorance, I say he is what the country needs — somebody who will question the status quo, and DO SOMETHING ABOUT IT for himself. I hope we help him instead do something for the country.

  • tenou

    Tama na hindi lahat ng pinagaaralan sa paaralan ay mahalaga at hindi lahat ng dapat pag-aralan ay itinuturo. Pero sorry, mahina ang argumento sa Rizal, Science at Araling Panlipunan. Pili naman ang mas hindi mahalaga. Tulad ng Theology, Home Economics at Kagandahang Asal na dapat ay sa bahay tinuturo. Mejo agree din ako sa Rizal. Dapat ang subject na yun ay collective study ng mga bayani at iba pang matatagumpay na tao sa Pilipinas. Inspirasyon nalang para magkaron ng malalaking pangarap at pagsisikap ang mga Pinoy.

    indi yung, pwede naman palang pumeke ng diploma, bat pako nag-aaral?

  • yasxiao

    Love for our country – this is what Filipinos LACK

    and this is a clear example of such. WHAT A SHAME