Marami sa tin mga walang magawa… Pipinapalipas ang oras ng wala lang… Basta dumaan ang araw ayos na tayo!!! Nakaraos na sa isang araw na hindi alam kung bakit meron… TAMA BA YON??? Gusto mo malaman ang sagot ko??? shempre sagot ko TAMA!!! Eh wala ngang magawa eh… Wag na kumontra h!!! Moment ko to!!! Ang mali eh ang mambasag ng trip ng iba!!!

Akala nyo ba madali ang walang ginagawa??? Mahirap din kaya noh… Nakakaburyong(praning)!!! Lucracious(naloloka) ang lola mo!!! Minsan nga ginawa ko kinalat ko lahat ng gamit ko tapos inayos ko uli… Wala lang trip lang…  Minsan din nagipon ako ng tubig. Pinuno ko lahat ng drum namin, ng matapos tinapon ko uli ang laman… Wala nga kasing magawa eh… Haist… Ganyan lang talaga… Minsan naman magtitimpla ako ng kape tapos uupo sa may bintana naming malaki… Tanaw ko lahat ng mga dumadaan… Walang makakaligtas sa matatalas kong paningin… Lahat napapansin ko ultimo butas na pundilyo ng dumadaan nakikita ko… Pati nga ang pagpaparoo’t parito ni Bentong Sira-ulo nabilang ko eh… Naka-20 syang pabalik-balik sa loob ng 1ng oras… Tibay din ng paa ng batang ‘to… Sa isang banda pareho lang naman kami eh… Anong sabi mo??? Pareho kaming sira-ulo!!! Gusto mo ng away h!?!? Ang sama naman,,, medyo-medyo lang noh!!! Ibig ko sabihin pareho kaming walang magawa…

Alam nyo din ba na ako ang unang naka-alam ng pangangaliwa ng kapit-bahay ko??? Ikaw naman wag mo na tanungin ang pangalan… Hindi ka din naman masyadong tsismoso noh!?!? Basta napansin ko na lang ang mga malalagkit nilang tinginan, ang mga pag-nguso-nguso nila sa isa’t-isa… Hay naku!!! May eklabush ang dalawang ito sabi ko sa sarili ko at tumpak ang aking sapantaha wala pang isang buwan nagising na lang ako na may nagkakarambulan sa labas… Pagbukas ko ng bintana… Si B1 sinapak si B2.. Gumanti din naman si B2, sinapak din si B1… Hindi sila maawat!!! Sapakan ng sapakan!!! Ayun basag na nga ang mga mukha lalo pang nabasag… Kawawa naman… Pero ng kapwa napagod, sila na din ang tumigil… Hays… ang haba ng hair ng girlash… akalain mong pag-awayan ng  dalawang boylet… “girl!!! hindi ka kagandahan h!!! ” Natapos ang eksena nila na pinalayas ni B1 si girlash… Matapang ang lola mo palibhasa meron ng pamalit kay B1 hindi inalintana ang iyakan ng mga anak nila… Mga kawawang munting bubwit… Sila ang biktima ng kakatihan ng ina nila… INA NYO TALAGA!!!

Madami pa akong mga nakita sanhi ng kawalan ng ginagawa… Sa pagdungaw sa bintana sari-saring kwento ang tumatambad sa akin… Sa paghigop sa isang basong kape mga istorya agad mo ng mahahagap… Di ko naman sinasadya basta na lang nadyan…  Magaganda, mga pangit, may mga tama o wala… Bata, matanda, tomboy, bakla… Lalaki o babae lahat ng mga yan nasa paligid mo… Wala ka man ginagawa sila meron… Pulutin mo lang yung alam mong tama… Wag itapon ang mali bagkus ito ang pagbasehan mo…Nakita mo na mga pangyayari, matuto ka sa mga nakita mo… Wala ka mang magawa matuto ka pa din… Tambay kana nga  hahayaan mo pa bang maging patapon ka… Aba!!! kilos na… Galaw-galaw… Banatin na ang mga dapat banatin… Umpisahan na ang paggawa ha… Ako nga eto inuumpisahan ko na eh… Abangan nyo lang susunod… Samahan nyo ako ha…Ako nga pla si IndayLucring…