Ang kontrobersiyal na RH Bill
Ang kontrobersiyal na panukalang “Reproductive health and Population and Development Act of 2010″o mas kilala natin sa tawag na RH Bill na akda ni Cong. Edcel Lagman.
Tutol ang Simbahang katoliko sa panukalang ito, dahil mapaniil umano ang RH bill na kontrolin ang populasyon sa iligal na paraan.
Ang RH bill ay maituturing na “ultimate decision maker” para sa “responsible parenthood” sa isang mag-asawa. Sila ang may karapatan na magdesisyon kung ilan ang nais nilang maging bilang ng anak.
Ano ba ang Reproductive Health Bill?
Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak at angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas, epektibo at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya.
Layunin ng RH bill na matulungan ang mga mag-asawa na maabot ang nais nilang laki ng pamilya habang isinasaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak upang matigil na ang maagang pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon.
Ang pag gamit ng kontraseptibo ay hindi nangangahulugan ng aboryon ito ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot ng hindi planadong pagbubuntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang na mamili ang mag-asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang kalusugan at nais na bilang ng mga anak.
Parami ng parami ang mga kabataang magnanakaw, pusher/user ng ibat ibang uri ng droga kasama na ang pag singhot ng rugby, namamalimos sa kalsada, mga nagbebenta ng laman, nasasangkot sa aborsyon dahil sa kahirapan at hindi planadong pagbubuntis ng mag-asawa.
Ang iniisip na iba na ang layunin ng RH Bill ay kontrolin ang populasyon. Hindi layon ng RH bill na magkaroon ng population development o pagpapaunlad ng populasyon. Ang pagkontrol ng populasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa o sapilitang pagpapagamit ng mga polisiyang pangpopulasyon na labag sa mga kagustuhan ng mga tao.
Maipasa man o hindi ito sa kongreso nasa mag-asawa parin ang desisyon kung ilan ang dami ng anak na gusto nila.
©Copyright 2011, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.








‘;ll
batas dapat sa DISIPLINA ang ipanukala kesa gumastos ang gobyerno sa mga contraceptives na iniisnab naman ng mga tao. HENYO ang makakagawa at makakapagpatupad ng batas na tungkol sa DISIPLINA.
yan ang magandang ipasa
pro ako kase pro life ako, walang hangad ang bill na ito kung hindi pag kontrol sa population ng tao, papaano yung mga taong di nakapag aral na nag aanak ng sampu pataas at ang hanap buhay lamang ay pag babasura, kasama ito sa pag unlad, kung hindi nyo tanggap ang RH bill wla tayong magagawa , LABAG sa batas ng diyos ? eh! kung di ba naman mangmang ang mga pilipino wala na sanang pinag tatalunan kung lahat sana tayo`y may pinag aralan ,maiintindihan natin yung dapat at hindi dapat, tignan nyo yung paligid nyo, mga kabataang gumagalang sa dilim, inuman, may 1nyt onenight stand pang nalalaman, ,. para sakin isa itong malaking hakbang para sa magandang kinabukasan
hindi ako sang ayon sa RH BILL dahil isa itong kalapastangan sa batas ng DIYOS huwag nating hayaang masangkot sa masamang kasalanan lalo na sa hindi pagpapahalaga sa bawat buhay…
sabihin natin mabuti ito ngunit lumalabag tayo sa batas ng DIYOS…
…kaya nating pigilan ang paglaki ng populasyon ng hindi gumamgamit ng mga iba’t ibang pang paepaktibo gay ng pagsusulong ng iba’t ibang programa pagbibiagy ng tamang pagplaplano’ pagigibg responsable ng mga magulang sa anak at ang pagbibigay ng nmga trabaho sa mga mahihirap o tamng psahod sa kanila ng sa gayon maiwasan natin ang KAHIRAPAN..
…walang mahirap kung gagawin natin lahat ng yon walang kahirapan kung walang koruption …
hindi lahat ng bagay makatutulong sa atin
ang mas makatutulong sa atin ay ang mapanuring
pagiisip at kung susundin natin ang batas ng diyos walang mahirap sa kanya at kuns susunod tayo sa alituntunin ng
FAMILY PLANNING..
hindi po ba ang batas ng tao ay ginagalang ng batas ng Diyos
ah….. ang diyos pa mismo ngayon ang gagalang sa batas ng tao..we are created by him at xa lang may karapatan na bumawi sa buhay na niregalo nya satin,,,thats why anti r.h bill aq
opo tama po,pero un po kc ang sabi ng Diyos,eh,,at ang rhbill naman po ay hindipag patay o pag bawi ng buhay ng tao,,kundi pagkontrol po lamng
wla kasi akong copya ng RH bill
pero sa paliwanag mo d mo rin sinabi na bawal ang abortion kung sakaling papalpak ang contraceptives. ang malinaw lang ay may kapangyarihan ang pamilya na limitahan kung ilan ang gusto nilang anak.
example. gusto ko 3 lang paano if pumalpak ang napili kong contraceptive? may karapatan o kalayaan ba ako na ipa abort ang bata kasi 3 lang ang gusto ko? yan ang dapat nila linawin if maging legal ba ang abortion o hindi
dpat lng na ipasa ang RH BILL,lalo na sa mhihirap na d kayang buhayin ang mga anak nla…kung lalaki ng lalaki ang ating populasyon…eh!d llaki rin ang kahirapan ng ating bansa…hnd nman ibig sbhin na ang RH BILL ay pagkktil ng buhay…i2 ay upang kontrolin lmang ang tmang blang ng anak…GO…BXTA AQ PRO-RH BILL…
it is for the NATIONAL SECURITY OF U.S. (read the Kissinger Report)
hindi dahilan ang overpopulation sa paghihirap ng tao .. dahil kung iisipin natin hindi overpopulation ang tanging dahilan ng kahirapan kundi ang corruption at improper governance ng mga taong nasa posisyon .
alam niyo ba na habang dumarami ang populasyon ng tao, bumababa ang poverty rate ng pilipinas ..?
ang problema lang kasi maraming tao ang tinitingnan lang ang mabuting maidudulot ng RH Bill, hindi na nakikita na mas marami ang di-mabuting maidudulot nito ..
salamat
kung corrupt po tlaga ang ibang nanunungkulan sa gobyerno wla n po tau mgagawa dyan , ang rhbill nmn po ksi ay pgkontrol po ng pgdami ng populasyon, hindi lng nmn po un ung pagamit ng condoms o kya pills, pede din nmn po gumamit ng natural method o kya calendar method po, pde din pong mag p vasectomy ar mapa ligate, to control the over populated population.
Wala tayong magagawa diyan? yan kkaya walang mangyari dahil sa mentalidad na “wala nang mangyayari”, magsuri ka lang tadtad ng maaaring gawin. komento ko lang
…para sakin hindi karapat dapat na ipatupad ang RHBill kc ito ay paglabag sa utos ng diyos .sa totoo lang hindi naman overpopulated ang ating bansa tsaka kaya lang naman tayo naghihirap ay dahil sa korapsyon .tsaka delikado din ang RHBill panu kung ang mga kabataaan ay maenganyo sa paggamit ng contraceptives tulad ng condom alam naman natin na ang mga kabataan ay sobrang curious sa mga bagay bagay.
ok lang maipasa ang RH bill, para naman matuto magkontrol ang mga tao lalo na ung hirap na nga sa buhay anak pa ng anak.. kawawa ang mga anak dahil sa kahirapan.;(
hnd dpt ipatupad rh bill,.. hnd dpt inaasa ng tao ang pagkontrol sa sarili sa mga ganyan.. dapat alam nla limitations nila.. msyado kc haling ang mga tao ngayon kaya ganyan ang ngyayari… SELF-DISCIPLINE ang kailangan at hnd yan.. sorry comment lng
self-dicipline, eh ang kaso wala niyan
DAPAT IPASA ANG RHBILL DHIL KUNG DADAMI ANG MGA TAO DADAMI DIN ANG MGA MAG-AARAL AT UUNTI ANG MGA GURO KYA BABABA ANG KALIDAD NG EDUKASYON DITO SA PILIPINAS QNG MAIPAPASA ITO AY MA KUKUNTROL OANG PAGDAMI NG TAO AT MGA MAG-AARAL TAMA LANG O DADAMI ANG MGA GURO TATAAS ANG KALIDAD NG EDUKASYON DITO SA PILIPINAS , HINDI EDUKASYON ANG PROBLEMA DITO SAATING BANSA KUNDI POPULASYON , ANG CHINA AY MERONG ”ONE CHILD POLICY” KYA NGING MAUNLAD SILA KHIT SILA ANG PINAKA MATAAS NA POPULASYON SA BUONG MUNDO…
Bakit pa kailangan ng RH bill? ipagdasal na lang nating maraming sakuna ang dumating gaya ng bgyo, baha, lindol etc. di ba yan nman gusto ninyo? bawasan ang mahihirap?
COntrolling… hindi killing.
gusto nyo bang matulad sa ibang bansa sa subrang higpit ng pagdami ng pamilya…..marami ang nagaganap na trahidya at mga dilubyo…kagaya ng china….
pwidi naman mapigilan ang paglaki ng pamilya sa tamang paraan
nasa tao kasi ang dahilan kaya nagiging problima ang ganyang bagay….
hindi nyo ba naisip ang paggawa ng isang ganyang ordinansa ay nagbibigay ng masamang kaisipan sa mga bagong hinirasyun ngaun kaya nagiging marahas at walang paggalang sa sexwalidad ng tao lalong-lalo na sa mga kababaehan….di marahil marami sa atin ang walang pakialam sa ganitong usapin….hndi naman sa gusto kong dumami ng dumami ang populasyun hangat maari bigyan ng tamang kaalaman ang isang mag asawa o bahagi ng pamilya…..hndi lamang ang rh bill ang kasagutan sa ganitong broblema,,,,,salamt
I AGREE WITH YOU BERT. RH BILL IS NOT THE ANSWER. IF THEY WANT AND CONCERN ABOUT THE GROWTH OF EVERY FILIPINOS, WHY NOT THEY PROPOSE TO EDUCATE THE PARENTS AND NOT LIKE THIS RH-BILL.
GUYS, YOU KNOW THERE ARE SO MUCH BILL IN CONGRESS THAT ARE ON PROCESS, WHY DON’T THEY FOCUS ON IMPROVING THE EDUCATION OF MANY STREET CHILDREN OR MUCH BETTER HAVE A NEW BILL FOR ALL PARENT TO HAVE AN PARENTING GUIDANCE SO IT WILL HELP THEM TO BE EDUCATED AS WELL. I THINK THAT IS THE BETTER BILL TO PASS THAN THE RH-BILL. THERE’S ALWAYS AGENDA BEHIND THIS, WHO WILL GET THE MONEY IF IT PASSED. WOULD YOU PREFER TO BUY (RH-BILL) OR TO BE EDUCATED (PARENTING GUIDANCE)? THINK MORE, THINK MORE MEANINGFUL!
pabor ako sa bill na ito dahil nga madami talaga ang nanganganak!!! kaya dapat shat ap na ang simbahang hipocrito. isa pa dapat magka bill din kontra sa iresponsableng magulang na anak lng ng anak para ibenta o ipatrabaho dahil tamad sila or what ever!!!
para saken sumasangayon ako sa RHBill hindi para abusuhin lalo na ng mga kabataan na nakikipag talik dahil para maiwasan ang over populated dito sa ating bansa at dumarami narin ang mga mahihirap at marami naring mga nagugutom na tao kaya para sakin tama lamang na ipatupad ito.
Ang problema kasi dito paikot-ikot lang tayo… mahihirap na madami mag-anak pero kulang pa sa sarili ang kinikita tuloy yung mga bata hindi na rin makapag-aral. kawalan ng stable na trabaho, kulang sa kaalaman, kahirapan, kurapsyon. tapos ganun ulit.. paulit-ulit lang…
para sken. hindi ako papayag dhil snbi nga ni God n humayo kayo at magparami.. hindi p ba yun dahilan para tutulan.?comment lng po.
“God blessed them and said to them, “Be fruitful and increase in number; fill the earth and SUBDUE it. Rule over the fish of the sea and the birds of the air and over every living creature that moves on the ground.” New International Version, Genesis 1:28
–subdue means,bring under control by physical force or persuasion.
–hindi lang sinabi ng diyos na magpakarami lang nang magpakarami. kontrolin din.
ang kahirapan ng isang bansa hindi naman sa dami ng tao ang dahilan eh!,marami paring dahilan,kung tutuusin ano ba ang totoong yaman ng isang bansa?,di ba tao parin ang pangunahing produkto kung konti ang tao paanong mapapaunlad ang isang bayan.sinong magiging mga manggagawa,sinong mga mamimili…kaya nga dapat itingin din natin ng maigi ang ating paningin sa ating paligid at mag-isip kung totoo ngang tao ang problema,what about our leaders,nagagawa ba nila ng tama ang kanilang trabaho,what about the corruption saan napupunta ang kaban ng yaman kaya hindi parin solution ang pagpapatupad ng Rh bill kung may kahirapan man sa ating bayan cguro kailangan lang maging masipag,dagdagan lang ang kasipagan at mahusay na pag hawak ng financial need at bawas bisyo
ang kahirapan ng bansa ay nasa tao rin. dahil paano ang mga mahihirap na nag aanak pa rin, kung tutuusin hindi na kayang hawakan ng tao ang kanilang temptasyon, at yun na po ang realidad ang RH bill ay isang batas na makatao na handang tulungan ang mahihirap para maka angat at magkaroon ng tamang kaisipan tungkol sa buhay ng tao. dahil kung anak lang sila ng anak ngunit wala naman silang kakayanan para mabuhay ito, eh isa pa yoon sa dagdag ng kahirapan ng bansa. ang RH bill ay hindi lamang sa pag control ng populasyon ngunit ito ay tumutulong upang maiwasan ang sakit na dalawa ng pagtatalik.
sa akin naman ok sana ang Rh bill nabasa ko naman ang mga comment,lahat maganda ang paliwanag,pero totong nasa magulang o mag-asawa parin ang kapasyahan kung ilang ba talaga ang nais nilang maging anak.Ang sa akin lang sa mga magulang konti man o marami ang kanilang mga anak gabay at pagtuturo ng mabuti at paglapit parin sa Dios ang kailangan,ang sa akin ayaw ko ng Rh bill kasi kahit maraming tao hindi parin nauubos ang mga isda sa dagat may sapat paring tubig na naiinom ang tao lahat pa rin ay controlado ng ating Panginoong Dios
sumamgsamgayon po ako sa iyo ))
nice!!!…but once and for all, hnd pa rin ako agree sa RH bill…
Syempre dapat lang ang RH BILL sa Pilipinas para masolosyunan ang overpopulation. hindi naman talaga ito pagkitil nang buhay . ito ay pagpigil lang para makaiwas sa mga problemang tulad nang kakulangan sa budyet. At isa pa para ito sa ikakaunlad ng ating bansa tulad ng china. ma smabuti pa nga ito kaysa sa one child policy.
Wala sanang magalit pero para sakin pati ang nature sumasang-ayon kasi binabawasan nya ang mga tao sa mundo sa pamamagitan ng mga kalamidad. pero sana yung kunin nya ay yung mga taong masasama at corrupt…
tama lang na ipasa ang rh bill..its for our own good nman,..
napakahalaga talagang ipapatupad ang rh bill upang mapigilan na ang pagtaas ng populasyon.
ikaw ba di mo nararamdaman ang hirap sa panahon ngayon? Di naman pumapatay ng tao ang RH BILL eh para pa nga sa’yo ang gustong ipahiwatig ng RH BILL, di mo ba nakikita ang mga krimen ngayon dahil sa hirap ng buhay makikita mo sa mga balita sa dyaryo at telebisyon karamihan ng mga gumagawa ng kasamaan ang laging dahilan ay HIRAP NG BUHAY bakit dahil sa ang ilan ay maraming anak, di na mapag-aral, lumaki ng walang pinag-aralan, isinilang ng walang pagkain at lumaki na rin ng walang pagkain, cge taas kamay ako sayo kapatid kung sa isang araw walang mapapabalitang dahil sa HIRAP NG BUHAY kaya nya nagawa yung krimen na yun eh mag NO TO RH BILL ako, pero kung sa isang araw ay di maiwasan ang balitang krimen at kasamaan paano mo mapapatunayan sa amen na hindi karapat dapat ang RH BILL cge nga? Mag-isip ka hindi naman para lang sa gobyerno itong gusto nilang ipatupad eh para din ito sa ating mga tao na nahihirapan na sa buhay, pero tao ka tao lang din ako may mga sariling desisyon tayo, ikaw pa rin ang magdadala ng buhay mo kaya ikaw pa rin ang magdedecide para sa pamilya at sarili mo peace po tayo opinion lang po =)
tama… kailangan ng patakarang RH bill upang masolusynan ang kahirapan. tulad sa bansang china noon, nagkaroon sila ng only 2 child policy.. after that, diba? naisama sila sa bansang tigre… sana maimplement na ito.. hindi naman may policy sa pag-aanak pero nasa sa atin na ang desisyon na magpapalakad sa pag-unlad ng buhay mo.. thanks.
kung lagi nating kokontrahin ang hakbang ng gobyerno kelan natin makikita ang pag babago??
kelan aahon ang pilipinas??
oo nga,,, sana maimplement na ang lahat ng plano ng gobyerno.. kasi naman,.. tagal na nila sa “upuan” pero pati tayu bakit di natin mapansin ang pagbabago.. hayyy,……. hanggang “sana” na lang yata ei?
In addition to the above article, this is also a good read about the RH Bill:
The RH Bill: Economic growth alone will not solve overpopulation
http://getrealphilippines.com/blog/2011/05/the-rh-bill-economic-growth-alone-will-not-solve-overpopulation/
Ang bill na ito ang solusyon sa mga problemang panglipunan, pero ang pamamaraan nito ay kitlin ang buhay bago pa man ito isilang. Mas matindi ito kaysa sa isang kumunistang bansa. HIndi ba kayo nagtataka at masugid ang pagsusulong nito? ganun ba katindi ang suliranin sa populasyon? Namamatay na ba tayo sa gutom at minabuti na natin na patayin ang mga bata bago pa sila isilang? Hind ba’t ang tunay na suliranin ay ang hindi pantay na distribusyon ng yaman? Nagtatanong lang
HI
Syempre dapat lang ang RH BILL sa Pilipinas para masolosyunan ang overpopulation. hindi naman talaga ito pagkitil nang buhay . ito ay pagpigil lang para makaiwas sa mga problemang tulad nang kakulangan sa budyet. At isa pa para ito sa ikakaunlad ng ating bansa tulad ng china. ma smabuti pa nga ito kaysa sa one child policy.
Wala sanang samaan nang loob pero para sakin sumasang-ayon ang nature kasi binabawasan nya ang tao sa mundo. ngunit sana ang kunin nya ay yung mga masasamang tao, yung mga hangal ang bituka at corrupt.
sa tapatang salita ang dapat pigilan ay ang libog ng mga tao kaya dumarami ang nabubuntis dahil s alibog ng mga tao. hindi nila alam na pag nag-sex sila may bata na mabubuo. tigilan na ang kalibugan sa media. yan ang dapat pigilan.
Define Communism? bakit naman napasama yan dito?
Wow . what a reply. she actually want me to define communism. This person needs to read more. There is a study released recently saying that the current uptrend of Philippine economy is brought about among other things by the population which is composed mainly of those who belong to the productive stage. Those who says that we have a problem on overpopulation should widen their scope of view more. ang nakikita nyo lang ay yung nasa immediate na paligid nyo. tuminign kayo sa ibang lugar. magbasa kayo ng stats para malaman nyo na walang overpopulation sa pilipinas. ang layon ng rh bill ay magangkat ng contraceptives sa ibang bansa. gagastos ang gobyerno sa walng kapararakan.