Ang kontrobersiyal na RH Bill
Ang kontrobersiyal na panukalang “Reproductive health and Population and Development Act of 2010″o mas kilala natin sa tawag na RH Bill na akda ni Cong. Edcel Lagman.
Tutol ang Simbahang katoliko sa panukalang ito, dahil mapaniil umano ang RH bill na kontrolin ang populasyon sa iligal na paraan.
Ang RH bill ay maituturing na “ultimate decision maker” para sa “responsible parenthood” sa isang mag-asawa. Sila ang may karapatan na magdesisyon kung ilan ang nais nilang maging bilang ng anak.
Ano ba ang Reproductive Health Bill?
Ang Reproductive Health Bill ay isang panukalang batas na naglalayong magbigay ng serbisyong pangreproduktibo para sa lahat, kabilang ang family planning o pagpaplano ng pamilya, para sa mga mag-asawa lalo na ang mahihirap. Ang kakayahang makagamit ng mga kontraseptibo na makatutulong sa pag-aagwat ng mga anak at angkop na impormasyon ukol sa mga paraan ng pagpaplano ng pamilya na ligtas, epektibo at abot-kaya. Sa ngayon, tanging ang mga may pambili ng kontraseptibo lamang ang epektibong nakapagpaplano ng kanilang pamilya.
Layunin ng RH bill na matulungan ang mga mag-asawa na maabot ang nais nilang laki ng pamilya habang isinasaalang-alang ang kalusugan ng ina at anak upang matigil na ang maagang pagbubuntis ng kabataan at bigyan ng kakayahan ang pamahalaan na maabot ang isang balanseng distribusyon ng populasyon.
Ang pag gamit ng kontraseptibo ay hindi nangangahulugan ng aboryon ito ay naglalayong maiwasan ang mga kaso ng aborsyon na dulot ng hindi planadong pagbubuntis. Lahat ng kontraseptibo ay magiging epektibo kung gagamitin ng maayos. Kinakailangan lamang na mamili ang mag-asawa ng pamamaraang angkop sa kanila, alinsunod sa kanilang kalusugan at nais na bilang ng mga anak.
Parami ng parami ang mga kabataang magnanakaw, pusher/user ng ibat ibang uri ng droga kasama na ang pag singhot ng rugby, namamalimos sa kalsada, mga nagbebenta ng laman, nasasangkot sa aborsyon dahil sa kahirapan at hindi planadong pagbubuntis ng mag-asawa.
Ang iniisip na iba na ang layunin ng RH Bill ay kontrolin ang populasyon. Hindi layon ng RH bill na magkaroon ng population development o pagpapaunlad ng populasyon. Ang pagkontrol ng populasyon ay nangangahulugan ng paggamit ng pwersa o sapilitang pagpapagamit ng mga polisiyang pangpopulasyon na labag sa mga kagustuhan ng mga tao.
Maipasa man o hindi ito sa kongreso nasa mag-asawa parin ang desisyon kung ilan ang dami ng anak na gusto nila.
©Copyright 2011, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.







RH Bill = RH Beer.. nagmimistula ng lokohan, nailalayo rin ang konrgeso sa mga bagay na dapat MAS pinagtutuunan ng pansin, ano to tumiming lang
dapat magkaroon din ng One misis policy yang mga kongresista’t mambabatas na yan.sila nagpaparami ng populasyon e..dami nila inaanakan..wooohooo
The Church run by Men and unmarried at that..will find it hard to accept and comprehend a bill primarily made for the health of women and married couples..=) just an opinion, no offense!
agree
Pwde ba kung magbibigay ng opinion dito gawin matuturan ang usapan. Seryoso ang usaping populasyon at hindi katatawanan. Hindi lang tayo ang makikinabang dito kung ang susunod ng henerasyon. May Red Horse bill ka pa nalalaman pwee!
kya nga gumagawa ang gobyerno ng paraan para ma educate at mabigyan ng proper info about this bill,ung iba tumututol sa bagay na di pa nila naiitindihan,
Natabunan na ang ibang posibilidan na problema ng bansa… malapit na tag ulan yun muna pag handaan ng pamahalaan natin… Ung kaso ni Arroyo di panga tapos un… na tatabunan ng R.H. Bill… Tsk tsk tsk…
We’ve been preventing death why not prevent life instead..
kaya nga sa pag kakagulo pa lang ng lahat ng may alam, hindi ba makaramdam ng other destructive effects nito? Isip isip din.
Mas gugustuhin ko pang mag ka RH bill kesa sa one child policy.
kaya nga ipag pipilitan ba nila yan kung hindi “win-win” situation, ang nakakalungkot lang ay ginawa ng nilang negosyo ang pag papaikot sa mga tao at malamang kaya ang mga mahihirap lagi ang sangkalan dahil bukod sa marami eh tanggap lang ng tanggap kasi yun ang tingin nila.
Malabo yang one child policy na yan.
i have a feeling that this is just another Trojan Horse.. sayang at di sapat ang disiplina at nangailangan p ng ganito.. nasa kanila na ang desisyon
Hope this bill sees the light of day.
huwag sana humantong ito sa one child policy..
@jensen: exactly! RH BILL wants to give awareness to the public. Corruption has been in our politics, so whats new?
Isang BAKET
Red Horse Bill nalang.. 1 bucket nga
Gawin na lang yan optional para maiwasan ang di pag kakaunawaan… Dapat unamawain din ang damdamin ng iba para ma-buklod muli ang mga Filipino… Di uunlad ang isang bansa kung wala unity at respeto sa isat isa…
D KAILANGAN ANG BATAS KONG MY MGA SARILING DISIPLINA,,,SA NGAUN MAS MAIGI CGURO N MAIPASA ITO PARA SA MAAYOS N KOMUNIDAD
makahayop at kumikitil ng buhay…kulturang kamatayan walang kaihinatnan.
hindi naman ito sa mabilisang pagkitil sa mga bagong buhay na isisilang sa mundong ito, ito ay yung pagpigil lamang na magkaroon ng over population na sya namang nagpapahirap sa bayan… thanks ..
Sam Nan Blest Bangit… control not kill
papasa ang RH Bill…
maski si Archbishop Cruz at Fr. Bernas inamin na yan.
I used to support the RH Bill, but now I am against it..
Though theoretically, its purpose may help bring awareness..
However my distrust to the present government outweighs the Bill..
Cause, not only it may serve as an outlet for corruption,
It could also be an entry point for a Trojan Horse Socialism.
From RH Bill to RH beer.. yeaah right..
@Jensen,para mo naring sinabi na ibasura din ang mga bagong silang na sanggol na di pinaplano or dahil walang RH Bill! Halerrrrrr.
IPASA ANG RH BILL! UTANG NA LOOB.
ibasura RH bill.. bagong outlet nanaman ng corruption..