“Love at first sight,” madalas kong naririnig pero ano nga ba talaga ang ibig sabihin nito? Sa sarili kong depinisyon, ito ay yung minahal natin ang isang tao sa panlabas nitong anyo at hindi sa kabuuan. Ang pag-ibig ay isang pagmamahal kung saan buong pagkatao ang nagiging basehan. Pangit, may kapansanan, walang pera at kung anu-ano pa, lahat yun nababaliwala kapag naramdaman natin ang tinatawag na tunay na pag-ibig,  “love is blind” wika nga.

“Naniniwala ka ba sa love at first sight?” karaniwang tanong na hindi ko mabigyan ng tamang kasagutan. Siguro kulang ako sa kaalaman pagdating dito pero ikaw, naniniwala ka ba?

Matatawag bang pag-ibig ang “love at first sight” gayong minahal lang natin sila sa panlabas nilang kaanyuan? O dapat itong tawaging paghanga? Kung paghanga nga ito, bakit tumitibok ang puso sa paraan na dapat itong tumibok kapag naramdaman na natin ang tunay na pagmamahal? Hindi kaya “puppy love” ang tawag doon? Pero sa tingin ko higit pa rin ito sa “love at first sight” kaya masasabi kong magkaiba ang dalawang bagay na ito.

Anu-ano ba ang iba’t ibang anyo ng pag-ibig? Paano mo malalaman kung iyon nga ay tunay at hindi isang pantasya lamang?

Homework: Do you believe in love at first sight?

-Magpapasa pa ba ako? Bahala na!

Survey: Do you believe in love at first sight?

-Undecided na lang.

Tol: Do you believe in love at first sight?

-‘tang na mo! Dota na lang tayo!

Tol: Takte, SF na lang…

-Nakalimutan ko, Farmville nga lang pala alam ko!

Ilan pa kaya ang magtatanong sa kin nito? Tulungan mo naman ako! Malay mo malunasan nito ang suliranin ng Pilipinas, ang pagtaas ng mga bilihin at gasoline at higit sa lahat baka mapagaling nito ang tagiyawat mo sa ilong.

About Derrick Quibael

Isa kong simpleng manunulat. Simple dahil tulad ko walang kwenta at puro kalokohan lang ang mga sinusulat ko. Bukod sa pagiging manunulat gusto ko ring maging komedyanteng artista. Noong bata pa ako madalas nilang sabihin na nakahawig ko raw si Jericho Rosales at ngayong malaki na ko sabi nila kahawig ko raw si Coco Martin pero di ako naniniwala baka kasi epekto lang yun ng Wow ulam. Balang araw ...lahat tayo tatanda kung saan ang malalaki at mahahalagang detalye na lamang ng nakaraan ang ating maaalala. Bihira na lamang nating maaalala ang mga maliliit na detalye kaya naman ginagamit ko ang pagsusulat para ikatha ang aking mga karanasan kung saan pagkatapos ng maraming taon ay malalaman ko ang mga ginawa ko sa nakaraan. Lahat tayo mamatay, ibuburol at ipapasok sa puntod kung saan magsisimula tayong namnamin ng maraming insekto, daga at iba pa. Pero dahil sa aking pagsulat, sa isang klik lang ng mouse ay muling mabubuhay ang aking pagkatao sa mundo ng internet.
Disclaimer: All articles appearing on this site are the opinion and responsibility of their respective authors. They do not necessarily reflect the views of Definitely Filipino, its owner, and staff.