NARANASAN MO NA BANG SUMAKIT ANG IPEN MO? yung sobrang sakit!!!!..

mala impyerno noh? sobrang sakit na parang yung buong mundo mo e tanging sakit na lang nararamdaman. halos yung mapaiyak ka na, magwala sa tindi ng kirot, naroong di makatulog at di ka din makakain, yung sobrang sakit pa rin kahit tipong ininuman mo ng ng 10 tabletas ng pain reliever e dama mo pa din yung sakit hanggang sa halos bumaliktad at magpa tambling ka sa sakit.

yung sobrang sakit na nanunuot mula gilagid hanggang kasuluksulukan ng utak mo at buong katawan mo e nadadamay na parang gusto mu na mahimatay dahil sa sakit. yung sobrang sakit na kung pupwede lang e ikaw na mismo ang bumunot pero nakakatakot pa rin kase baka mas malalang sakit yung susunod. Pu*&#@$! ang sakit ng ipen ko!!!!

naisip ko lng habang sumasakit ang ipen ko at habang isinusulat ko kung ano man maisusulat ko.. ganito din kaya ang sakit pag napunta ako sa impyerno? yung tipong kada patak ng segundo e sya namang pintig ng sakit ng ipen mo at ramdam na ramdam mo yung sakit na ipinapadala sa utak mo…

sabi nila totoo ang impyerno. nakatala din daw yun sa Bibliya.. may ilan ding tao naka silip umano duon at naranasan ang impyerno ngunit muling nag balik sa lupa at buhay na kesyo para ipamalita sa sangkatauhan kung anu nga ba ang impyerno..

naisip ko lng ikumpara ang sakit ng ipen ko sa impyerno, grabelacious to the maximum levelacious! ang sakit kaya!.. paano kaya ang totoong impyerno? tapos forever ka na dun?..

ang sarap kumain ng tsokolate! ang sarap manigarilyo, kumain ng ice cream, magkape, kumain ng kung anu anung satisfying na pagkain, food trip, uminum ng alak at mamulutan. nariyang halos puputok na ang chan mo sa kabusugan, ok lang basta masatisfy ang chan.. lahat iyon dumaan sa ipen mo, sumayad sa ipen at bibig mo. napakahalaga ng ipen noh? ang hirap kumain pag wala yon, ang hirap ngumiti, dyahe sa mga makakakita, dyahe sa chika babes mo, dyahe kay bf mo pag bungi ka.
maraming kung anu anung proseso para mapaganda at maging kaaya-aya ang ipen mo, nariyan ang kung anu anung klaseng sipilyo, may silipyong may baterya, sipilyong 360 degree raw ay malilinis daw lahat ng kasuluksulukan ng ipen mo, at tooth paste na pampaputi ng ipen, pampabango ng hininga, nariyang din ang ibat ibang klase espesyalista sa ngipin..

yung iba nga nilalagyan pa ng kung anu anung disenyo gaya ng braces at tooth-piercing at mayroon ng ding tooth bleaching. lahat ng yon para sa ipen, ok lang kahit limpak limpak na salapi pa ang magastos, depende sa kaya ng bulsa.

naisip ko lang isang sipilyo lng din naman na kahit anu pang brand at tooth paste ang kakailanganin upang mapanatili ang kagandahan ng ipen, lalo kung sisimulan mo ito sa panahong nagkaroon ka na ng ipen. masusing pagsisipilyo ika nga, ng sa gayon kahit anu pa man ang banatan at kainin mo ay maiiwasan mo ang anumang karamdaman, sakit o pagka sira ng ipen na maidudulot ng kinakain mo. Parang pananampalataya, sa daming relihiyon na parang brand ng sipilyo at sekta na para namang brand ng toothpaste, isa lang naman yan, pagpapasalamat at pananalig sa Panginoon.
sa dami ng pang araw araw na gawain sa ating buhay, nariyan ang sangkatutak na problema, trabaho at kung anu ano pang mga personal gawain para sa ating buhay, na kung minsan ay napapabayaan na natin ang ating kaluluwa. isa lang din naman ang maglilitas sa atin e… ang Diyos.

parang ipen nun simulang tumubo, maganda, maayos, mapuputi, may idea ka ba nuon kung gaano kasakit pag sumakit yun? Wala noh? kaya nga minsan ok lang yun hindi ka nag sipilyo, minsan tatakasan mo pa ang iyong nanay dahil ayaw mo mag sipilyo o kaya talagang tinatamad ka. Hanggang isang araw nalaman mong nabubulok na pala ang ipen mo at kelangan ng bunutin, paano naman kaya ang nabubulok na kaluluwa? Isang araw malaman mo na lang na wala ng remedyo sa kaluluwa mo. Parang bulok na ipen, kahit binunot na bulok pa din, paano ang bulok na kaluluwa at namatay na ang may ari nito? Wala ng chance para ma save pa, para mag bago.

naisip ko, anu kayang sakit ang maaring dumapo sa aking kaluluwa dahil alam ko hindi ako masusi at maayos na mananampalataya sa Kanya.. wala akong ideya, ngunit naikumpara ko ang sakit ng ipen ko sa maaari o mas higit pang sakit ang dadanasin ko sa impyerno. Nakakatakot, baka sobrang sakit!
Sa sakit ng ipen ko ngayon natawag ko si God, nakakatawa! kung kelan lang may sakit, may nararamdaman, saka lang tayo nakakaalala (mostly), siguro kelangan ko ng mas maging maayos, masusing mananampalataya.

Habang hindi pa nabubulok lahat ng ipen ko, gusto kong isave kung anu mang natitira sa akin para sa Kanya. Habang hindi pa huli ang lahat.

Nawa ay natutunan ko pang sipilyuhin sa pang araw araw ang aking kaluluwa, ganun din sana kayo.

O ikaw nag sipilyo ka na ba???..

Paksyet ang sakit ng ipen ko!!!!! Ang mahal ng bunot dito sa Qatar! Please donate!