Bayani mo mukha mo!
Maraming kongresista ngayon ang nagtutulak na ihimlay ang mga labi ni Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Nasa tamang katinuan ba sila? Ako nga baliw na ko pero hindi pa ko ganun katanga.
Nagkataon pinahiram ako ng co-trainee ko ng isang libro ni Lualhati Bautista (yung writer ng Dekada ’70), sakto sa timing kung ika nga. “Desaparesidos” ang titulo nun, totoo, brutal, walang limitasyon sa pagpapahayag. Kaya may lakas ako ng loob na magsulat tungkol sa isyu na ‘to ngayon, dahil namulat na talaga ako sa tunay na nangyayari nung panahon ng Martial Law.
Warning: Pasintabi sa mga kumakain, magiging “brutally frank” ako ngayon, dahil ganyan din ang ginamit na paraan ni Bautista – mas totoo, mas nakakatama sa puso.
“Lualhati Bautista mode” ON…
Hindi ako papayag na ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Dahil hindi siya isang bayaning Pilipino, ganun ka-simple yun. Nakalibing ang lolo ko dun, kasama ng libu-libong mga sundalong pinoy, kano, muslim, boy scouts, mga presidente, at meron pa yatang aso, pero at least bayani yung aso, hindi kagaya ni Marcos.
Sabi nila, eto daw mga achievements ni Marcos:
1. Bumuti ang agrikultura, nagkaroon ng “miracle rice”.
2. Pagkatayo ng mga kalsada at infrastructure, naging konektado ang buong Pilipinas.
3. Pagtayo ng pinakamaraming school houses nung panahon niya.
4. Pag-promote ni Imelda Marcos sa sining at teatro sa ibang bansa.
5. Pag-reporma ng mga lupain at pag-improve ng irrigation.
Ok, solb! may nagawa nga naman siya… pero eto yung iba pa niyang ginawa… eto yung mga istorya na nakapaloob sa “Desaparesidos”, mga istorya tungkol sa mga kaganapan nung Martial Law…
Istorya ni Anna:
1. Miyembro siya ng mga rebelde, “Malaya” ang pangalan ng anak niya.
2. Napatay ng mga sundalo ang asawa ni Anna.
3. Pinuntahan ni Anna ang naka-display na bangkay ng asawa niya sa plaza.
4. Nakahubad, duguan, walang buhay, nakapasak pa sa bunganga ng asawa niya yung ari nito.
5. Hindi kayang aminin ni Anna na asawa niya yun, mahuhuli din kasi siya kung mangyari yun.
6. Tatay ng asawa ni Anna ang naglakas-loob na bawiin ang anak niya, si Anna ang nagbilin.
7. Pinilit paaminin ng mga sundalo ang Tatay kung paano niya nalaman na andun ang anak niya.
8. Wala naman kasing pangalan o identity info. ang mga bangkay.
9. Ayaw umamin ng Tatay, nagmaka-awa yung Tatay, gusto lang niya mai-uwi yung anak niya.
10. Pinatay ng mga sundalo yung Tatay ng asawa ni Anna.
Istorya ng mga aktibista at rebelde sa selda:
1. Maraming mga nakakulong na rebelde at political prisoners sa mga selda.
2. Wala nang pwesto, siksikan sila, walang bentilasyon, marami ang may mga sakit.
3. Gutom, walang kamang tulugan, kahit mga mag-asawa nagkukumot na lang para makapag-quickie.
4. Isang gabi bumaha sa mga selda dahil sa malakas na bagyo ng Maynila.
5. Umapaw ang mga tubig, tumayo at nagtakbuhan ang mga bilanggo papunta sa mga rehas.
6. Hinahampas nila nag mga selda para humingi ng tulong, walang nakikinig.
7. Lahat ng dumi umaapaw na sa sahig, pati mga ihi at dumi ng tao lumulutang palapit sa kanila.
8. Kumanta na lamang ng isang makabayang awitin ang mga bilanggo nang sama-sama.
Istorya ni Lito:
1. Si Lito ay isang minor de edad na rebelde, nahuli sila ng mga kasama niya.
2. Inutusan ng mga sundalo na bugbugin si Lito ng isa sa mga kasama niyang rebelde, si Roy.
3. Hindi magawa ni Roy na bugbugin si Lito, sabi niya sa mga sundalo “Maawa na kayo mga brad.”
4. Tinutukan nila ng armalite sa ulo si Roy, walang magawa si Roy.
5. Binugbog ni Roy si Lito, sinuntok, sinipa, sinikmuraan, inutusan pang karatehin.
6. Lamog si Lito, naka-fetal position na lang sa isang sulok, parang sanggol, puno ng sugat at dugo.
7. Hindi na muling nakita nila Roy si Lito, hindi na rin nabalitaan, malamang napatay na siya.
Tatlong istorya pa lang yan, hindi pa kasama yung libu-libong istorya ng iba pang mga biktima. Pati yung mga babaeng ginahasa, mga buong pamilyang pinag-babaril, mga inosenteng nawala na parang bula.
‘Yan ba ang gusto nilang itaguyod bilang isang bayani?
Kung mga Germans nga tinakwil si Hitler, yung mga Iraqi naghimagsik laban kay Saddam, yung mga Afghan hindi kumampi kay Bin Laden… tapos tayong mga Pilipino kikilalanin na bayani yung diktador natin? Grabe ang lalaking tanga at gago ng mga congressman na yan!
Si Ninoy Aquino ang bayani natin, siya yung lumaban sa diktador.
Kung bayani si Ninoy, ibig sabihin “bayani” din yung pumatay sa kanya na si Marcos?
Namatay at nag-sakripisyo yung isang bayani laban sa isa pang bayani para sa kalayaan?
Ginagago niyo naman kami eh, yung mga hunghang naman nagpapa-gago din.
Kahit anu pang building, infrastructure at material na bagay ang nagawa ni Marcos, wala paring silbi yun, dahil kahit kailan mas matimbang ang halaga ng buhay ng mga tao, lalo na ng mga inosente at nabubuhay ng tapat para sa bayan at pamilya nila.
Ang kapal ng mukha niyo Marcos family! Pagkatapos ng lahat may kapal pa kayo ng mukha na itaguyod si Ferdinand Marcos bilang bayani, the nerve! Imelda, Bongbong, Imee, etc., kailangan niyo yata ng cosmetologist sa sobrang tigas ng balat niyo! Kailangan yata ng silicone injection ng buong katawan niyo!
Sabi ni Enrile wala daw batas para mapigilan ang paghimlay kay Marcos sa libingan ng mga bayani….. I beg to differ, oo walang “legal” na batas para pigilan yun, pero meron tayong batas ng tao, batas na hindi kailangan isulat at aprubahan ng kung sinong poncio pilato, yung batas na nagsasabing — pumatay ka ng milyun-milyong tao, nagnakaw ka ng hindi mabilang na kayamanan… pinanganak ka nga bilang tao, pero hindi ka nabuhay ng makatao, kaya dapat hindi ka bigyang respeto sa pagkamatay mo, dapat mamatay ka bilang ikaw, ikaw na mamamatay-tao, magnanakaw, diktador, at isang hayop na nagkatawang tao, na hindi alam ang ibig sabihin ng halaga ng buhay ng ibang tao.
Nakasulat sa gates ng Libingan ng mga Bayani:
“I do not know the dignity of his birth. But I know the glory of his death”
Hindi bagay kay Marcos yan, eto ang bagay sa kanya:
“I do not know the dignity of his birth. And I do not know the glory of his death as well.”
Sabi nila, dito daw sa pinas, if you speak in English, you will be better heard, so take this:
F**K YOU FERDINAND MARCOS! YOU CAN NEVER BE A HERO!
P*****G INA MO FERDINAND MARCOS! PATAY KA NA NGA, ANG KAPAL PA DIN NG KALULUWA MO!
Hindi ka magiging bayani, after all those lives you’ve wasted, in your dreams pare!
©Copyright 2011, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.

on 
buti pa talaga noong panahon ni marcos, kapag rebelde ka, tepok ka kaya dapat pakabait ka, hahaha!
wag ka magtiwala sa mga istorya. magreview ka ng history..lalong naghirap ang pilipinas sa administrasyong sumunod sa kanya masyado lang silang goodshoot sa media .
“Kung bayani si Ninoy, ibig sabihin “bayani” din yung pumatay sa kanya na si Marcos?”
magagawa ba ni Marcos napatayin si Ninoy, If and only siya lang yung magiging prime suspect kung pinapatay niya si Ninoy? di ba HINDI? Di niya magagawa yun, edi napatalsik siya. Gawa gawa lang un ng ga taong gusto siyang masira sa iba. Pinalabas nilang siya ung pumatay para sa DAW sa ikabubuti natin.
Bakit nung panahon naman ni Marcos, kahit madaming gastos, mababa ang dolyar laban sa piso, wala ding utang ang Pilipinas di ba? dahil sa pag iisip ng isang taong kumalaban kay Marcos yung sinasabi nilang ” The greatest president we never had” si Ninoy, nawala ung pag asa nating umunlad.
Bakit noong napatalsik si Marcos, Ano ung nagawa nang sumunod na administrasyon wala di ba.. Lumala lang ung krimen, mas dumami ang kurakot sa bayan, nagka kanda utang utang ang pilipinas (utang kasi ng utang), LUMUBOG ang Pilipinas.
Ferdinand Marcos was “the only GREATEST PRESIDENT na nagkaroon ang Pilipinas”
Hindi ako nabuhay noong panahon ni Marcos pati Ninoy, pero sa aking napapanood ngayon, is karapat dapat siyang ihimlay sa LIBINGAN NG MGA BAYANI.
nabasa/ napanood ko rin na mas madaming tao ang gustong ihimplay siya sa LNMB..
cno mas malaki nkurap syempre ung sumonod k marcos..kc tumaas n value ng dollar..kung ssumain mo interest ms malaki pa nkurakot ung sumonod s knya..