Mahirap i-balance pero kaya natin.

 

Pano mo masasabing handa ka na magmahal? Kapag malapit na mag-February?!

..o..

Kailan nga ba tayo dapat magmahal? Kapag Valentine’s day?!

 

 

Para sayo, ANO ANG LOVE?

  • “Love is blind.”
  • “Love is like a rosary that is full of mystery.”
  • “Love is in the air.”
  • “Love is sacrifice.”
  • …at marami pang iba…

May mga pangyayari na hindi natin maiiwasan kapag pag-ibig ang pinaguusapan, kung minsan ay may ‘di pagkakaintindihan…

 

Kung minsan ay gusto mo na siya pero may mga dahilan kung bakit hindi pa pwede o ayaw mo pa. Pwedeng may pangako ka sa iba o sa sarili mo kaya hindi mo magawa. Isipin man ng ibang tao na masama ka, pinaglalaruan mo lang, niloloko mo lang, o kung anu ano pa… wala silang pakialam dahil hindi nila alam ang totoong dahilan kung bakit mo ginagawa yun, hindi nila alam na nahihirapan ka din sa ginagawa mo, at lalong hindi nila alam na nasasaktan ka din. At kung sabihin man nila na hindi mo kasi sinasabi ang dahilan, hindi mo naman kailangan sabihin para lang ma-please sila na hindi ka talaga ganung klaseng tao.

 

Hindi madali ang magdesisyon kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Minsan ay nagiging ‘tanga’ o kaya ay ‘manhid’ tayo dahil sa mga desisyon natin. Hindi natin alam kung ano ang susundin para masabing handa na tayo magmahal, PUSO o ISIP?…

 

Marami nang nasaktan at nakasakit dahil sa tinatawag na LOVE, dahil ba sa PUSO na “nakakaramdam DAW ng love” o ISIP na “nagdedesisyon kung ano ang tama”?

  • Kapag sinunod mo daw ang puso mo magiging masaya ka. Hindi naman maitatanggi na tama yon pero naisip mo ba ang long term? Maraming nagsisisi dahil sa pagsunod sa puso kaya’t bakit gusto mong makiisa pa? May kasabihan nga na “Sa una ang sarap, sa huli ang hirap.”
  • Kapag isip mo naman daw ay magiging successful ka. Hindi din maitatanggi pero naisip mo ba na malungkot ang mag-isa. Marami rin nagsisisi sa pagsunod sa isip dahil ang dati nilang mahal ay wala na sa kamay nila kahit nakuha man nila yung tagumpay.

 

Mahirap sabihin kung alin dahil pareho itong mahalaga. Dapat lang alamin kung paano gamitin ng tama. Matututunan naman ito bawat araw. Kaya’t hindi mo kailangan magmadali dahil lang malapit na ang Valentine’s day at naiinggit ka sa iba o kaya ay kinakantsawan ka ng iba. Hindi naman masama o mahirap ang maghintay basta’t may pinaninindigan ka at may prinsipyo ka. Kung si God nga nagsacrifice ng buhay para sa ikabubuti ng lahat, maliit na sacrifice lang ang paghihintay at pagdedesisyon mo ng tama bakit hindi mo pa magawa. Para naman sayo yan, at para na rin sa kanya.

 

 

KAPAG NAGKAISA ANG NARARAMDAMAN NIYO AY SIGURADONG WALA KAYONG PAGSISISIHAN!

kaya…

 

 

SUNDIN MO KUNG ANO ANG GUSTO NG PUSO MO AT ANG TAMANG DESISYON NG ISIP MO PARA SA KINABUKASAN NIYO!

dahil…

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

KAPAG PINAG-ISA MO ANG PUSO AT ISIP MO, PARA MO NA RIN PINATUYAN SA MUNDO KUNG ANO ANG IBIG SABIHIN NG TUNAY AT TOTOONG PAGMAMAHAL!!!

 

As one.