Kelan ba nahiwalay sa Pinoy ang pagiging maporma? Marahil ang pagiging maporma ng mga Pinoy ay minsan nagiging dahilan kung bakit nadadagdagan ang mga pasanin natin sa pang araw araw.

Pagdating sa mga uso di tayo nagpapahuli. Alam natin mga bagong models or looks. Pero pagdating sa ibang bagay na mas importante ay wala tayong alam.

Sinasabi na ang bansa natin ay naghihirap, pero bakit pag may sale sa mall ay di mahulugan ng karayom? Kung ano ang uso sa U.S ay pilit natin ginagaya. Kaya popular dito sa atin ang mga Knock-offs or imitations. Di ba natin niloloko ang mga sarili natin sa pagbili ng mga pekeng bagay? Sa hilig natin sa porma, bumibili tayo ng kahit anong nasa uso para wala tayo marinig na komento mula sa ibang tao.

Gusto natin lage naririnig or nararamadaman na tayo ay “In”. Bili tayo ng bili ng mga bagong model ng mobile phone at kung ano pa kahit na wala na tayong savings. Kaya pagdating ng oras ng kagipitan napipilitan ulit tayong mangutang.

Pati sa mga piling okasyon pilit natin itinataguyod ang pagpapahalaga sa porma. Pag may birthday, graduation, or fiesta, kahit kulang sa budget pinipilit na magkaroon ng bonggang handaan. Kahit na ang kapalit nito ay karagdagang utang.

Kahit sa sarili nating gobyerno mapapansin natin ang pagpapahalaga  sa porma.  Gaya ng mga daan, dahil sa gusto natin mapabilis ang pag aayos para hindi panget sa paningin. Nilalagyan  ng asphalto na kalaunan ay nasisira rin lang ulit. Mga politicians natin panay maintain ng kani kanilang looks. Ni minsan di mo sila makikitang madungis. Pero ung concern nila hanggang sa looks lang. Hindi nila naiisip na mas magandang problemahin ang image nila hindi kung paano sila according sa looks kundi kung may naitutulong ba sila sa kani-kanilang lugar. Panay pangako at magagandang plataporma para maniwala ang madla na karapatdapat sila sa kinauupuan nila. Porma sila ng porma pag election. Pilit rin natin pinapaganda ang imahe ng bansa, gaya ng nakaraang administrasyon, magkano ba ang nagastos para sa road beautification at magkano ba nautang ng gobyerno para lang magmukhang kaaya aya sa mga foreign investors?

Kelan ba tayo titigil sa kahangalang ito?  Di ba natin kaya na i-sacrifice ang porma para sa mga bagay na mas mahalaga? Kaysa bumili tayo ng mga pekeng bagay bakit hindi nalang tayo bumili ng mga produktong gawang Pilipino? Marahil hindi ito ang mga sikat na brand pero sa paraan na yun ay nakakatulong tayo sa pag-unlad ng mga businessman na nagbibigay rin ng opportunities para sa atin.  Kaysa mangutang tayo para sa handaan, bakit di nalang magcelebrate sa mas payak na paraan.  Gastos ng gastos para sa porma. Sa mga politiko, sana wag panay porma. Sana may katapat na gawa.

Sana matutunan nating unahin ang kasiguraduhan bago ang panlabas na kaanyuhan. Aanhin nga ang porma kung sa katapusan tayo naman ay walang-wala?