President Ferdinand E. Marcos at the Libingan ng mga Bayani?

(Image source: http://www.bacarra89ers.org/images/marcos_mausoleum.gif)

Ayaw magbigay ng anumang komento ni PNoy paukol sa bagay ito. Baka raw kasi isipin ng mga tao na  ”Biased” ang pasya niya dahil alam nating nga Pilipino na personal ito para sa kaniya. Ok lang ba na walang stand ang pangulo natin sa bagay na ito at hindi siya nanindigan sa isang opinyon gaya ng kanyang ina noong ito pa ang nakaupong pangulo ng bansa?  Tama ba ang kaniyang desisyon na ang kaniyang Bise na si Jejomar Binay na lamang ang humawak ng usaping ito?

“Are you agreeable to the burial of the late former President Ferdinand E. Marcos at the Libingan ng mga Bayani anytime during the term of President Benigno S. Aquino III?”

(Source:http://ph.news.yahoo.com/survey-conducted-marcos-burial-20110415-013006-170.html )

Iyan ang tanong na kasalukuyang pinapasagot sa mga tao, ni Vice President Jejomar Binay

Ayon kay VP Jejomar Binay kung maari gusto niyang kumunsulta sa mas nakararaming tao at hindi lamang sa Kongreso,  Senado at iilang sektor lamang. Nais nilang  malaman ang opinyon ng mga taong-bayan na matamang pinanonood ang bawat balita at may kani-kaniyang komento sa mga pangyayari sa ating bansa. Ang desisyon ngayon ay nasa kamay ng mga tao at hindi manggagaling sa iilang sektor lamang ng gobyerno.

 

Talaksan:Ferdinand Marcos.JPEG

(Image Source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Ferdinand_Marcos.JPEG)

Sino nga ba si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ?

Siya ay naging kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959-1965. Siya ang ika-10 Presidente ng ating bansa. Ang kaniyang panunungkulan nagtagal ng halos 21 taon. Bilang Pangulo ng Pilipinas kahangahanga rin naman ang kaniyang nagawa sa ating bayan. Ngunit ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Yan lang ang nakatatak sa isipan ng mga Pilipino.

 

(Image Source:http://i30.photobucket.com/albums/c332/bnchs_club89ers/ilocos/ilocos165.gif)

Marami din ang hindi nakakaalam sa kaniyang kabayanihan noong ikalawang digmaang pandaigdig. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng Martsa ng kamatayan.

 


(Image Source:http://www.allphilippines.com/wp-content/uploads/2009/08/Libingan.jpg)

Nararapat ba siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani?

Ayon sa survey noong March 4 – March 7 ,  50% ang sumasang-ayon na siya ay dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani at 49% naman ang hindi sumasang-ayon. Iginiit nila na huwag na lang daw sana siyang ipagpilitan sa Libingan ng Mga Bayani. Dahil meron din naman daw mga tunay na bayani na hindi doon nakalibing.

Hindi natin maipagkakaila na isa siya sa mga pinakamahusay na pangulo na humawak sa ating bansa. Marami siyang napatunayan sa mahabang panahon na siya ay nanungkulan. ngunit maituturing ba nating bayani ang isang lider na ganid sa kapangyarihan at kinuha ang panahong hindi na nararapat sa kanya? Kung babalikan natin ang 1986, kulang na lang ibuwis talaga ng mga taong bayan ang kanilang buhay upang mapatalsik ang diktador at bumalik ang bansa sa dati nitong kalayaan at katahimikan. Let us just think of the future generations. Allowing a hero’s burial for F. Marcos in the “Libingan ng Mga Bayani will give a confusing message to the future generations:   We deposed him from the presidency then honored him later?

Napakarami ng nangyari magmula noon, ang mga pinoy ba ngayon ay naglalaan pa ba ng oras para may malaman at maintindihana sa ating kasaysayan? O forgive & forget na lang tayo?

 

About rence_mart22

Mahilig magsulat ng kung ano-ano. :D 3rd year HS Student.

Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.


Send a private message to author Chuy

  • Dela Cruz, Juan

    Mga kabayan, ito eh suhestiyon ko lamang. Wag mamasamain ang aking opinyon. At sana ay mayroon parin tayong pagkakaisa sa bandang huli. Pro Marcos or not, it’s not a big deal pero gusto ko lang na maging patas ako sa inyong lahat. Maigi ng magpatawad sa kasalanang nagawa ng mga Marcos, mahalaga eh matapos na yang usapan na yan kung ililibing ba sya. Para naman di maaksya ang mga perang buwis na ibinabayad ng mga kagaya ko na matatawag na nasa kalagitnaang klase ng antas sa buhay. Puro na lang batikos ang nangyayari sa mga Pilipino, kongreso man o senado at di na umuusad ang ekonomiya dahil puro pag aaway ang inuuna at di matapos ang diskunyong ito. Konting diperensya ay hayaan na. Bakit ba ayaw pang payagan na mailibing yan ng tuluyan ng manahimik ang mga Marcos? At ang mga Marcos, bakit ipinagpipilitan nyong mapalibing dyan si Ferdinand? Marami kayong kayamanan na ayos sa iba eh di maganda ang pinanggalingan e bakit di na lang kayo mag pagawa ng sarili nyang libingan at pagandahin ang kapaligiran nito at siguradong dadayuhin pa ng mga lokal at banyagang turista? (Palagay ko isa na ako dun sa turista para lang mapatunayan kong ang pangyayari!) Mga kabayan, tingnan nyo ang mga utang na tinatawag na ninakaw ng Marcos at ikumpara nyo ang halaga nun simula ng maupo ang Corazon Aquino. Ayon sa gastos ng utang eh sya ang nagdagdag ng utang ng bansa at nag sunod sunod na yun! So pare pareho lang sila na may pansariling intesyon. Kaya kong sabihin ang Istoryang ito dahil inabot kong nakaupo ang Marcos hanggang sa malaman ko at napatunayan na ang huling administrasyon eh may mga katiwalian din. Wala silang pinag kaiba. Parepareho lang silang mag nanakaw na matatawag. Tingnan nyo ang isang exit ng expressway sa norte, may labasan pauntang Hacienda Luisita na milyon ang halaga na galing sa kaban ng yaman ng Pilipinas na galing sa bulsa natin na nagbabayad ng buwis. Ganyan sila, tinatawag nating bayani? Para silang mga manok na bagong itlog na putak na lang ng putak na di madesisyunan ang pagpapalibing at ayaw manahimik kung ayaw payagan. Kayo namang nasa kabilang panig, di ba kayo naririndi at ayaw nyo pang payagan yan??? Nasasayang ang pera namin dahil sa inyo, pinasusuweldo kayo ng mga nagbabayad ng buwis na kagaya ko pero wala kayong ginawa kundi mag talktakan dyan sa kongreso at senado! Gising mga kabayan kong Pilipino. Tayo na at kumilos para sa pag asenso. Opinyon lamang, Salamat!

    • Clei

      palagay ko dahil ito sa “PRIDE” ng dalawang partido. bakit kailangan pang halungkatin ang nakaraan. tapos na ang kasaysayan ng dating pangulong marcos. bakit kailangan patuloy na mabuhay sa nakaraan. masyadong komplikado ang issue na ito, at napakadaming pwedng mabuksan na topic dahil dito. 🙂

  • mindflex

    FM doesn’t deserve a state burial. Period.

    The effect of FM’s two decades of decadence is evident in the Filipino diaspora.

    • ako si master

      tama!wag ilibing iyan ako na lang jowk! heheehhhhhhhhhhhhhhh

      • dapat ilibing c marcos sa libingan ng mga bayani dahil marami syang nagawang mgandang bagay na pinakinabangan natin ngayon!! 🙂

        >precious periabras<

  • ace franz

    sang ayon ako na ilibing sa libingan ng bayani si ferdinand marcos … so wt f ilibing sya dun ? nung mwawala? eh di sna ung tym n wini-waste nLa sa isyung yan…. eh di sna ngamit p niLa sa ibang bgay tulad ng poverty … dba?baqit pa kailangang mag open ng issue about him patay na nga diba?pati sa paglibing nya issue pa rin.
    kung aq naman sa mga kapamilya ni marcos hindi ko na lng pipilitin na ilibing ung kamag anak namin dun sa libingan ng mga bayani kahit na alam kong desrving sya.bat mo ipagpipilitan kung ayaw nila,..di naman sayo un,kaya may karapatan sila…advice ko na lng,since mayaman naman kau,pagawa na lng kau ng sarili nyong libingan ng bayani or we should call it “LIBINGAN NG MGA MARCOS”.dali dali ng solusyon di nyo magawa.nagawa nyo ngang magpagawa ng malking FREEZER lng sa kanya for about a decade tapos di kau makabili ng lupang paglilibingan nya.jusko naman.MATUTONG GUMAMIT NG ISIP HA.HINDI UNG PURO CORRUPTION LNG.mamaya buhay nyo ma CORRUPT.KALOKA KAU.

    • suzanne

      tomo KORAK KA DYAN SISTER XD XD XD XD XD ………..

  • rence_mart22

    Tama , Sinulat ko po itang Blog na to para malaman ang opinyon niyo pero sana po walang magaawayaway maraming salamat sa mga opinyon niyo ^_^

  • rico mambo

    Dear all Peace po tayo

    alam ko pa may sari sarili tayong opinyon ito sa akin.. suma total natin pagkatapos ba ng termino nya may maayos ng pilipinas ba??? umasenso ba si JUAN De La CRUZ,,Natoto ba nag mga bata ng tamang asal?? Dumami ba ang mahirap?? yumaman ba ang mga currupt na politiko?? naparusahan ba sila?? sa palagay nung nawala si Pangulong Marcos bilang (Isang)Pinaka Currupt na presidenti sa tingin mo wala na bang naging currupt?? mahigit isang dosena ang pumulit sa kanya bilang currupt bulsa dit bulsa doon.. may nagawa ba ang presidenti mo?? umuasenso ba bayan mo?? we need strongman para ituloy mga magaganda panukala sa dami nga ng batas sinusunod mo ba?? baka ikaw din pasaway ka rin or isa sa mga padreno gang?? baka magsalita para sa sarili mo tignan mo kung may nagawa ka na ba sa maayos sa bayan mo?? alam ko lahat tayo matalino pero supportahan na lang natin sila para sa iisang pilipinas..kung ikaw gusto mong tumulong lumaban ka ng kapitan.mayor,senador,presedenti ingat ka baka maging kurakot ka rin…

  • bakit ba pinaltasok c makoy?
    kase ipapamigay ni marcos ang hacienda luisita sa magsasaka
    nang maupo c cory lahat ng yaman ng cojuanco ay pinagbabawe
    kaya nga nag karoon ng mendiola massacre wala nahuling suspect kahit isa cno commander in chief?
    ano ba liit ng hacienda luisita?
    pasig and makati combined 64.876 Hectares see History

  • CM

    Sino bang naging Presidente ng Bansa ang maaaring ikumpara sa mga nagawa ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos sa Bansang Pilipinas? Bakit hindi siya dapat parangalan ng bayang Filipino bilang dating Pangulo? Kung sino man ang gustong matunghayan ang mga kabutihang ginagawa nang dating Pangulong Marcos, visitahin ang aking website: http://www.cmjavier.com at duon ay matutunghayan ang ilan sa mga kabaitan at kagitingan ni dating Presidente Ferdinand E. Marcos. Sana ay hintuan na natin ang paninira sa kapwa nating Filipino, kung wala naman tayong sapat na basihan. Igalang natin ang bawa’t isa sa atin.

    • spongey ravio

      hindi paninira ang ipaalala kung ano ang totoong naging dahilan ng pagpapatalsik kay Pangulong Marcos. Alam natin na walang likas na masamang tao at may kanya kanya tayong pagkakamali ngunit ang isyu na pagpapalibing sa libingan ng mga bayani ay isang pagtapak at pang insulto sa mga taong nagbuwis ng buhay upang makaalpas tyo sa tanikalang rehimen ng nasabing pangulo. Ginagalang natin sya bilang isa sa mga pangulo ng ating bayan at marapat na sya ay galangin (kaya nga idinidikit ko ang nararapat na titulong dating Pangulo). Ngunit masakit sa mga taong nakaranas ng hirap nung panahon ni Pangulong Marcos na ilibing sya sa isang lugar na sa palagay nila ay nararapat lamang sa isang taong may malasakit sa kanyang bayan. Hindi nman kaila sa atin ang sangkatutak na panlabag pangtao na nangyari sa panahon na iyon. Maaaaring ang iba ay di sumangayon dahil wala namang malinaw na mga datos dahil nga pinigilan ng gobyerno nung panahon na iyon ang kalayaan ng media upang ihatid ang mga kaganapan sa ating bayan. Ngayon marami ang nagsasabi na mas malala pa ang mga nangyayari ngayon kumpara nung panahon ni Pangulong Marcos ngunit alam natin na sa kadahilanan na, sa ngayon malayang naipapahayag ng media sa taong bayan ang totoong estado ng ating bansa. Para sa akin si Pangulong Marcos ang nagiisang pangulo na nagbigay ng malaking pagpapahalaga sa edukasyon, pananaliksik at kalinangan ng bansa. Ako ay isang ISKO at hinahangaan ko sya sa aspetong iyon ngunit hindi sya naging magandang ehemplo upang isulong ang kapakanan ng ating bayan. Masahol pa sya kay Emilo Aguinaldo nung hinatulan at hinayaang patayin si Gat Andres Bonifacio dahil sa pansarili nyang adhikain.

  • Efren R

    If Marcos has done good to the country, those are outnumbered by his misdeeds and abuses which up to this day, his family refused to acknowledged!
    He left a legacy for our country as the most corrupt in Asia, and to our people to live without dignity ( abused OFW’s, domestics, drug mules etc), and a mockery of justice where a corrupt leader who stole millions can be hailed as hero and an ordinary pinoy who stole food can rot in jail! And arrogance of power by him and Imelda that killed thousands including Ninoy Aquino is unforgiveable!
    He doesnt deserved a hero’s burial! Let Imelda buried him in South China Sea.

  • ferdz

    MARCOS parin sana mailibing na siya dahil tinuturing ko siyang isang bayani sa huling sandali ng kanyang buhay. May dahilan ang pagkakaroon niya ng kamay na bakal dahil simula ng mawala siya nagsimula narin ang paghihirap ng sambayanang Pilipino walang katapusang kurakot mula sa mababang antas hanggang sa itaas na antas ng gobyerno.

    • spongey ravio

      I think you are lislead or probably plain ignorant of the real meaning of being a disciplinarian and a disciplined country. A disciplinarian does not mean to have a “kamay na bakal” as you may say that. He just need to be a good leader, good example and everything will follow. Kapag ba nagpapasunod ka sa iyong anak, or nakababatang kapatid gagamitan mo ng kamay na bakal? That is totally absurd. A discipline man do what is right with or without someone looking after him. He is doing this out of dignity and respect for himself and not because of fear which was the state of the country during his term.

  • Sheri

    His body really looks like wax. I have to see a letter of authenticity to believe it’s the real thing.

    Completely and irrevocably, he is no hero and does not deserve to be buried at the Libingan ng mga Bayani. If he fought during the war, so did my father as did many others, but they will not be buried there. From his family’s wealth, they can build him a grand mausoleum where he can be on display forever and charge entry fee. The grand drama and pomposity will keep the flame aglow! I would not go and pay, I will just smirk and say, “serve you right, you’re human after all”. And yes, where he will be buried, Imelda would want to be beside him too. She better.

    He was the longest term president because of buying votes, “fixed” elections and calculated prolonged term by declaring Martial Law. USA was good to him only because of Subic Bay! I was there and seen it all! Undeniably guilty of pocketing Filipino money, the proof that he run away fearful for his life and the money found in bank accounts and real estate abroad!

    Philippines to become a Singapore had he continued being a President? That’s a laugh, dream on! There will be 10,000 shoes for Imelda instead of 5,000, and more Filipino money deposited in Swiss accounts not just for the First Family but also their cousins, siblings, knee and elbow relatives, co-conspirators and cronies! Who cares about common tao?

    Sorry, the “no disrespect intended for the dead” jumped out the window if Marcos is the topic, same goes for Imelda when she dies. I’m too fiery to be passive as Angie’s comment about love and forgiveness. I can’t be bought and I don’t brown nose, and I’m glad that I am not related to them or else I will hide in a dak corner from shame of their theft, lies, greed and infamy!

  • gran bumagat

    i am pro-marcos, not only he is the greatest president that The Philippines had but he is a very smart person, if im to answer the question ” dapat bang ilibing si F.Marcos sa libingan ng mga bayani?” – why don’t you ask the family if they want that?.. if fact, do we all know if he is the real Marcos na naka-libing as a waxed display?.. if you are wealthy president would you allow yourself to just die like that not having a formal plan for your burial??.. let us just leave it alone and instead, focus on more important things na ika-uunlad ng pilipinas.. kasi, -let’s say.. the question is answered – “pwede na ilibing si Marcos sa libingan ng mga bayani, sino gagastos sa pag move ng labi, services at ano? gagastusan pa ba naman yan? imbes na yung i-gagastos dyan eh ilagay na lang sa mas nanganga-ilangang sangay ng gobyerno… then after the burial??? – what now?.. wala lang?!! kung hindi naman pakiki-alaman eh di walang issue?.. anu ba yan mga ka-bayan!! bigyan na lang natin ng pansin yung mas importanteng bagay.. (i’m not saying F.Marcos is not important) discuss some issues that make more sense.. hehehe.. peace!!

  • Angie Cosico

    Why not, kalimutan na natin whatever he did, na pangit. Forgive him for whatever it is . Kung ang Diyos nakapagpatawad tao lang tayo ma nagkakamali. Kung nasaan man ngayon ang Mr. Marcos palagay ko nagsisi na sya sa kanyang mga nagawa. Its just between God and him. God is love. Love conquers multitude of sins.

    • Efren R

      Kaya padami ng padami ang KAWATAN sa Pilipinas kasi puro kayo Patawad maski hindi humihingi ng Tawad!!
      HUSTISYA ang kailangan!! Madami silang pinerhuwesyong Tao at bankcrupt ang bansa ng sila ay lumayas!! Ganon lang ba yon, PATAWAD??? ng walang pag sisisi at hustisya!
      Sa Dagat nalang yan Itapon at baka makabuti pa! Kahit ang Diyos ay nagpapatawad lamang sa mga taong humihingi ng tawad!

  • az

    for all the pro marcos..if he was a great president..di sana nalunod ang pilipinas s bilyong kautangan..on top of that hes a dictator..murderer..etc..
    pano mo masasabi n isa siyang bayani.??