(Image source: http://www.bacarra89ers.org/images/marcos_mausoleum.gif)

Ayaw magbigay ng anumang komento ni PNoy paukol sa bagay ito. Baka raw kasi isipin ng mga tao na  ”Biased” ang pasya niya dahil alam nating nga Pilipino na personal ito para sa kaniya. Ok lang ba na walang stand ang pangulo natin sa bagay na ito at hindi siya nanindigan sa isang opinyon gaya ng kanyang ina noong ito pa ang nakaupong pangulo ng bansa?  Tama ba ang kaniyang desisyon na ang kaniyang Bise na si Jejomar Binay na lamang ang humawak ng usaping ito?

“Are you agreeable to the burial of the late former President Ferdinand E. Marcos at the Libingan ng mga Bayani anytime during the term of President Benigno S. Aquino III?”

(Source:http://ph.news.yahoo.com/survey-conducted-marcos-burial-20110415-013006-170.html )

Iyan ang tanong na kasalukuyang pinapasagot sa mga tao, ni Vice President Jejomar Binay

Ayon kay VP Jejomar Binay kung maari gusto niyang kumunsulta sa mas nakararaming tao at hindi lamang sa Kongreso,  Senado at iilang sektor lamang. Nais nilang  malaman ang opinyon ng mga taong-bayan na matamang pinanonood ang bawat balita at may kani-kaniyang komento sa mga pangyayari sa ating bansa. Ang desisyon ngayon ay nasa kamay ng mga tao at hindi manggagaling sa iilang sektor lamang ng gobyerno.

 

Talaksan:Ferdinand Marcos.JPEG

(Image Source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Talaksan:Ferdinand_Marcos.JPEG)

Sino nga ba si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ?

Siya ay naging kasapi ng Senado ng Pilipinas mula 1959-1965. Siya ang ika-10 Presidente ng ating bansa. Ang kaniyang panunungkulan nagtagal ng halos 21 taon. Bilang Pangulo ng Pilipinas kahangahanga rin naman ang kaniyang nagawa sa ating bayan. Ngunit ang tagumpay ng kanyang pangasiwaan ay nabahiran ng talamak na katiwalian, paniniil sa karapatang pantao, at panunupil sa oposisyon. Yan lang ang nakatatak sa isipan ng mga Pilipino.

 

(Image Source:http://i30.photobucket.com/albums/c332/bnchs_club89ers/ilocos/ilocos165.gif)

Marami din ang hindi nakakaalam sa kaniyang kabayanihan noong ikalawang digmaang pandaigdig. Siya ay lumaban sa pagtatanggol ng Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng Martsa ng kamatayan.

 


(Image Source:http://www.allphilippines.com/wp-content/uploads/2009/08/Libingan.jpg)

Nararapat ba siyang ilibing sa Libingan ng mga Bayani?

Ayon sa survey noong March 4 – March 7 ,  50% ang sumasang-ayon na siya ay dapat ilibing sa Libingan ng mga Bayani at 49% naman ang hindi sumasang-ayon. Iginiit nila na huwag na lang daw sana siyang ipagpilitan sa Libingan ng Mga Bayani. Dahil meron din naman daw mga tunay na bayani na hindi doon nakalibing.

Hindi natin maipagkakaila na isa siya sa mga pinakamahusay na pangulo na humawak sa ating bansa. Marami siyang napatunayan sa mahabang panahon na siya ay nanungkulan. ngunit maituturing ba nating bayani ang isang lider na ganid sa kapangyarihan at kinuha ang panahong hindi na nararapat sa kanya? Kung babalikan natin ang 1986, kulang na lang ibuwis talaga ng mga taong bayan ang kanilang buhay upang mapatalsik ang diktador at bumalik ang bansa sa dati nitong kalayaan at katahimikan. Let us just think of the future generations. Allowing a hero’s burial for F. Marcos in the “Libingan ng Mga Bayani will give a confusing message to the future generations:   We deposed him from the presidency then honored him later?

Napakarami ng nangyari magmula noon, ang mga pinoy ba ngayon ay naglalaan pa ba ng oras para may malaman at maintindihana sa ating kasaysayan? O forgive & forget na lang tayo?