Kapag ganitong summer ay likas na sa ating mga Pinoy ang mag-swimming. Dahil nga isang archipelago ang Pinas ay napapaligiran tayo ng mga anyong-tubig. Nakagawian na nating mag-outing para mapigilan ang pagpapawis ng ating mga singit dahil sa sobrang init!

Noong totoy pa ako ay paborito ko ang buwan ng March. Bukod sa bakasyon na ay celebration din ng birthday ng pinsan kong si Bambie tuwing akinse. Bilang regalo sa kanya ng kanyang daddy ay nagpupunta kami sa RIKITOY BEACH sa Cavite. Isipin niyo nalang kung gaano kaganda doon sa pangalan pa lang! Kahit na ilang beses na kaming na-dikya at nakakita ng mga lumulutang na tae ay masaya kaming bumabalik-balik doon. Nagsisilbing family reunion namin iyon sa mother’s side tuwing summer. Ang sarap ng experience na iyon dahil sagana sa hotdog barbecue, ang daming pagkain, at hindi sila nauubusan ng alak (pero ‘di pa ako tomador that time). Natapos lang ang trip na ganoon nang medyo na-realize na namin na contaminated na ang tubig at makati na sa balat. Siyempre, nag-dalaga na si insan kaya hindi na cool sa kanya ang partey na ganun.

Kapag wala namang family gatherings ay inaaya kami ng erpats ko sa MANILA BAY. Oy, malinis pa noon ang tabi ng Baywalk. Wala pang karatula na bawal maligo doon dahil hindi safe sa kalusugan. Pumupunta lang naman kami dito para makatipid dahil walang entrance fee. Tuwing weekends, napakaraming tao dito kaya ang hirap mag-park ng sasakyan. Tanda ko pa noon na kahit isang balot lang ng tasty bread na may palamang egg salad at panulak na Sunny Orange juice ay masaya na kami nila utol Pot at Jeff. Simpleng tao na simple lang ang kasiyahan (naks!). Doon kami banda sa CCP Complex naliligo dahil doon ang mukhang medyo malinis. Dahil totoy pa kami nila utol at maliliit pa ang mga pututoy noon ay ‘di kami nahihiyang maligo ng naka-brief lang na mala-bacon ang garter! ‘Yung iba ngang mga batang-grasa doon ay talagang nakahubad, feeling nila ay nasa nude beach sila. Adventure talaga kapag naliligo kami dito dahil ilang beses na kaming nasugatan sa mabatong gilid na punung-puno ng mga ipis-dagat! Wala na ring banlaw-banlaw ng katawan, pag-uwi nalang ng bahay kaya tuwang-tuwa naman si ermats pagdating namin dahil may mga natuyo nang asin sa mga buhok at damit namin…

CLICK HERE TO CONTINUE READING “SON OF A BEACH”

 

JAYSON BUBAY QUITIQUIT is a 32-year old civil engineer currently working in Chaozhou, China. He is a second rate trying hard blogger and a former guitarist of an unknown band called Demo From Mars. He maintains several blogs namely NoBenta, B’log ang Mundo, The Wonder Twins, KasaySalita, and Frontispiece 2.0.