Batas dito, batas doon. Marahil isa na tayo sa mga bansa na napakaraming batas. Pero ramdam ba natin ang mga ito?

Mañana habit maituturi ang nanaig sa bansa natin lalo na pagdating sa pagsasatupad ng Pilipinas. Ilang batas na ba ang naipasa at ginawang official pero wala pa rin tayong makitang sapat na aksyon. Gaya nalang ng Clean Air Act of 1999 (Republic Act No. 8749),Tobacco Regulation Act of 2003 (Republic Act No. 9211) and Ecological Solid Waste Management Act of 2000 (REPUBLIC ACT NO. 9003).

Dito sa Cebu kamakailan lamang naging strict ang gobyerno patungkol sa pagkolekta ng basura. Ang batas ay naipasa nung 2000 pa pero 10 taon muna ang lumipas bago ito tinutukan ng pansin ng mga local government. Kung hindi nagsara ang dump site dito sa Cebu marahil kahit ngayon ay binabalewala pa rin natin ang responsibilidad natin sa kalikasan. Hindi lang sa gobyerno nakasalalay ang mga basura natin. Dapat tayo mismo ang gumagawa ng paraan para maibsan ang problema sa basura.

Samantala, sa Clean Air Act naman marami pa rin akong nakikitang mga smoke belcher sa mga kalye natin. Kahit nakikita pa ng mga alagad ng batas ay parang wala lang. Nasanay na ata sila sa maitim na usok ng mga sasakyan at kinalimutan na nila ang batas na to.

Ang panghuli at marahil ang pinakanakakaasar na batas na gusto kong makitang talagang ipinapatupad ay ang Tobacco Regulation Act. Malinaw na nakasaad dito na :

Sec. 5. Smoking in Public Places - Smoking shall be absolutely prohibited in the following public places:

a. Centers of youth activity such as playschools, preparatory schools, elementary schools, high schools, colleges and universities, youth hostels, and recreational facilities for persons under eighteen (18) years old;

b. Elevator and stairwells;

c. Location in which fire hazards are present, including gas stations and storage areas for flammable liquids, gas, explosives or combustible materials;

d. Within the buildings and premises of public and private hospitals. Medical, dental, and optical clinics, health centers, nursing homes, dispensaries and laboratories;

e. Public conveyance and public facilities including airport and ship terminals and train and bus stations, restaurant and conference halls, except for separate smoking areas; and

f. Food preparation areas.

Pero hanggang ngayon makikita mo pa rin ang paglipana ng mga smokers sa pampublikong lugar.

 

Marahil kaya patuloy tayong nasa categorya ng Third World Country dahil sa kawalan natin ng “Iron Fist” pagdating sa mga batas natin. Kung parating ganito nalang, bakit pa kailangan ng Congress. Inaaksaya lang natin ang mga taxes na binabawas sa mga sahod natin para maipasa lang ang mga batas na to. Hanggang sa papel nalang ba ang mga batas natin? Kelan ba tayo matututo na walang kwenta ang mga batas kung hindi naman ito ipinapatupad ng maayos.

Walang mangyayari sa isang bansa na kung saan inaabuso natin ang ating kalayaan.

Pinagdadasal ko pa rin na balang araw matuto na tayo na magkusa, ung hindi na natin inaantay pa ang gobyerno para gumawa ng action. Maging mapagmasid at maging responsable na sana ang bawat Filipino para sa mga darating na generation ay may malinis na kapaligiran pa sila at maayos na bansa.

Sana nga matuto na tayo. At sana may AKSYON na talaga ang ating gobyerno….