Minsan may Isang Puta (2007)
Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.
Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.
Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.
Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.
Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

MINSAN MAY ISANG PUTA AT THE GARDEN OF EVE. The film, GARDEN OF EVE/GANAP NA BABAE, was recently awarded an Excellence in Cinematography Award and was among the best that received the Silver Woman trophy at the SoHo Film Festival in New York which recognized the technical mastery of the movie. Trailer at http://www.facebook.com/minsan.may.isang.puta
Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.
Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!
Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.
Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .
Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.
Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.
Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.
Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.
Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.
Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.
Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.
Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?
Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.
Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.
Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.
Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”
Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.
Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.
Pilipinas nga pala.
—
NOTE:
I long to see the day when no Filipino will feel the relevance of “Minsan may Isang Puta”, that long awaited moment when it no longer evokes a pain that has fueled passionate prose from its readers…Read their anguish: https://www.facebook.com/notes/minsan-may-isang-puta/rise-from-the-debauchery-when/10150149907537924
“Minsan may Isang Puta” was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com. The 2007 version is a response to the apathy and complete disregard of our kababayans to the worsening plight of our country.
It’s been seven years since I wrote the article and at 2010, it is still finding it’s way to blog sites, fora, search engines and now on an Indie film. “Minsan may Isang Puta” has also been studied in high schools, universities and colleges for PolSci, Filipino and Theater 12 subjects.
“Minsan may Isang Puta” and all its entities have copyrights with the National Commission for Culture and Arts.
“Minsan may Isang Puta” won the film grant in 2010 to be a part of an Indie trilogy “Ganap na Babae”. Director and screenplay writer Sarah Roxas together with two other distinguished women directors weaved together three short film screenplays to make a full length feature movie in “Ganap na Babae” (International title : Garden of Eve).
The movie was honored as Cinemalaya 2010’s opening film and in 2011 won the MIENT’S PICK: Excellence in Cinematography Award and was among the best that received the Silver Woman trophy at the SoHo Film Festival in New York which recognized the technical mastery of the movie.
The FB page is at http://www.facebook.com/minsan.may.isang.puta
©Copyright 2011, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.
You may also like these articles:
Be Careful What You Wish For
Kung Bakit May Mapanghusga
Tying The NOT
Senate Plagiarism - A Template to Follow?
Of Guys and Guitars
Kaya Lang, Single Mom
Unreturned Feelings
In Search for Mr. Tall Boyfriend (A Short Story)






Kaantig damdamin naman ito,…ang mga hinaing niya ramdam na ramdam ko,… hanggang kailan kaya magtiis ang inang ito,… ( Pilipinas) …saludo ako sa author nito….
After a few paragraph, I went to the last sentence. It confirmed my suspicion. Tungkol sa bayang Pilipinas. Bulgar ang dating sa simula pero lumalalim sa kalagitnaan. It’s like the
Bible’s Story of Prophet Nathan to King David about a wrongdoing made. As soon as he hears the story, King David concludes an injustice has been done and he wants immediate justice… only to find out he is the culprit… read the whole story and follow what King David did!
Napakaganda ng pagkakasulat n Kwento nakaka touch. Sana Magising na ang mga poliikong corrupt.
Oo nga sana magising ang mga corrupt officials ng ating bansa.
Puta talaga tong bansa natin hindi dahil by choice but “ignorance” ang dominanteng relihiyon ang amo ay dayuhan walang pakialam sa gawi at dangal ng mga mamayan ng bansang ito, pinagpuputa rin tayo ng mga super power na bansa at mauunlad na bansa dahil walang pakialam ang majority ng namumuno sa bansang Pilipinas. PUTANG INANG BUHAY NG MGA TAO DITO DAHIL SA INYONG MGA BUGAW NA NASA MALAKANYANG AT UN. Magbago naman kayo para sa kinabukasan ng mga kabataang maghihirap na naman at mapipilitang maging PUTA ng mundong ito, ayusin ninyo naman mga namiminuno at mga ignoranteng mamayan ng bansang ito, putang ina ninyong lahat!!!
:rotfl: alam u ng mabasa ko ang article na i2, marahil marame ang katulad na mga babae d2 sa pilipinas ang nakakaranas ng ganito dahil na rin sa hirap ng buhay @talamak na prostetusyon…
Oh my gosh,! nagandahan ako sa kwento na to, nung una inakala ko na tao siya,
parang nakaka’ asar kasi masyado siyang bulgar sa mga binibitiwan na salita,
pero nung natapos ko yung kwento na to, napa isip ako, bakit kaya gnun ang mga
tao sa mundo, ayaw ba nila ng kapayapaan?
Sana sa mga taong nanunungkulan ngayon sa bansa,
Bigyan nila ng malaking pansin ang mga taong
naghihirap, at nanga2ilangan ng tulong,
isantabi muna ang mga bagay na hindi nman dapat.,
Sa mga tao naman na ngpapapansin lamang, ITIGIL niyo ang mga kalokohan
na yan, dahil may mas marami pang iintindihin ang presidente kaysa
sa inyo, na gusto lamang eh makalikom ng salapi at gumawa ng kjrimen,!
upang mpansin,!
masakit isipin na tayong mga anak niya ang naglulubog sa kanya sa putik. bakit hindi natin siya maunawaan? bakit hindi tayo magkaisa para sa kanyang ikabubuti? mga anak niya tayo at tayo lang ang pwedeng gumawa noon sa kanya. ibangon natin ang kanyang puri dahil hindi pa huli ang lahat. kung gagawin natin, malaki ang pag asa na maging masaya si inang bayan..BUMANGON TAYO AT MAGSIMULA NG PANIBAGONG BUHAY…BUHAY NA MALAYO SA KATIWALIAN..KAILANGAN NATING MAGING MATAPAT SA KANYA…Maaaring maging mahirap sa umpisa dahil sa hirap na dinaranas natin, pero kung magtitiis tayo, makakamit natin ang matagal na nawala sa atin na kaginhawahan….
Nagalit ako sa mga anak nya…. anak nya rin pala ako…
Wala na ba talagang mga bayani?
Sana dumami ang mga makabayan…. Mamahalin ko ang Pilipinas hanggang kamatayan…
‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi.”
true true!
ay grabeh naman pwede naman maglarawan sa ibang bagay wag lang ung pilipinas nilarawan sa isang putang babae…..to the writer sana magsulat kanaman ng something that could build a good reputation to your country…..
Thanks for your opinion pero ang sabi ng “Puta”: Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.
Sinabi din niya sa “Ang pag-uumarte ng anak ng isang Puta”
(facebook.com/note.php?note_id=332198557923): ako’y isang ina…ina na walang ibang maibibigay sa inyo kundi ang aking ganda. ang ganda na sanay nakapagbigay sa inyo ng dangal at yaman maski madumi ang nakaraan. inang pilit na umaahon sa bawat bagyong dumadaan. ang di ko maintindihan, sa dami ng mga anak ko na sa tingin ko ay kasinggagaling at kasingtatalino mo ay di na tayo nakaangat sa paghihirap. parang supot ng basurang itinapon sa ilog pasig na lulutang lutang, di alam ang patutunguhan.
sabagay, sabi nga nila, ang basurang tinapon mo ay basurang babalik sa iyo. kaya siguro
ganito pa rin tayo.
My personal reply to those who share your beef ..it was written NOT to scorn, how else can we portray our country when it has almost reached it’s darkest hour. had i not portrayed her as such, walang maantig. Please don’t take words at face value,understand the underlying reasons why things are such. I interviewed Putas while I was a student, and I don’t think lowly of them. I respect them for a trade they chose out of any other recourse to feed their kin. It is a trade that takes too much from and of a woman, I can’t even imagine doing it but these women gave themselves to that profession because of limited education and awareness.
I say no to sweeping generalizations and being judgmental of others. It is easy to
condescend and pass judgment on the premise of moral high ground. Can we recall Jesus
condemning Mary Magdalene or Judas? It was out of Mary Magdalene’s own volition to follow
and it was out of guilt that Judas hung himself.
But Pharisees see wrong in black and white, and has no hesitation casting the first stone.”
I definitely agree…Good job….just hope that this blog will touch others heart..the way it touches me…
INA KONG PILIPINAS halos lahat ng kapitbahay mo ay pinagsamantalahan din naman at ilang taon din naging puta pero umangat sa buhay dahil sa disiplina na mga anak nila, sa tamang liderato ng mga panganay nilang anak na hindi naging sakim at di pinagsamantalahan ang sinamatalang inang bayan. INA KONG PILIPINAS minsan naiisip kong sana pinagpatuloy mo na at hinayaan mong tuluyan ka nang kinupkop at inaring tunay na pamilay nang huling nagnagsamantala sa iyo keysa ganitong lahat ng mga punyetang panganay na anak mo eh lalong nilaspag at ninanakawan ang sarili nilang magulang, paano ko ikukuwento sa mga anak ko ang nangyari sa iyo INA KONG PILIPINAS. natatakot akong baka isumbat nila sa akin na itay bakit nilayasan mo ang INA MONG PILINAS, isa lang ang pede kong ipaliwananag sa kanila, anak ang mga punyeta kong panganay na kapatid ay gahaman at ninikawan ang INA KONG PILIPINAS natakot akong madamay kayo at magutom kaya andito tayo sa malayo nating kapit bahay para mangamuhan at makiamot ng unti nilang kayamanan.
wala yan sa lola ko.
akala ko kwento kwento lng… un pla di lng basta basta kwento… symbolic! sa huli ko lng nalaman isa pla tay0 sa mga anak nya.. our mother land ang bansang PILIPINAS!!! ang makakagamot at makakatulong sa paghihirap ng ating inang Pilipias ay wala ng iba kundi”MAGMAHALAN TAYONG LAHAT NA MAGKAKAPATID!! TAYONG LAHAT NG MGA PILIPINO!! MAGMAHALAN TAYO AT MAGTULONGAN” with that makakaahon tayu sa kahirapan. WAG LANG NATIN I-ASA SA MGA NAMUMUNO SA ATIN. WAG LANG SA NAHAHALAL NA PANGULO. TAO RIN LANG SILA NA GAYA NATIN. MAGTULONGAN PO TAYONG LAHAT. “ANG PAGBABAGO AY NAGSISIMULA PO SA SARILI NATIN” MAHALIN NATING ANG BAWAT ISA,. MAHALING NATIN SI INANG PILIPINAS!
ito’y isang “OBRA” likha ng isang taong may magandang imahenasyon at punong puno ng emosyun. nakakapanghinayang lang at ito’y isang katotohanan, isang katotohanan na hindi ma i-kukubli at dadanasin pa ng susunod na henirasyon. saludo ako sa nag sulat nito bawat talata ay buhay na buhay at binigyan nya ng kulay, kaya habang ako’y ng babasa kala ko kausap ko lang ang Pilipinas, animo’y siya ang nagsasalaysay ng kanyang istorya ng buhay… Salamat kaibigan sa iyong buhay na damdamin… :yes:
talaga! at ang mga lintik na bugaw ay walang iba kundi yung mga nag-santos-santosan na mga hinayupak na maruming pulitiko at kung tawagin ay mga honourable public servants kuno! pwe!
PILIPINAS binihag ka nasadlak sa dusa, gising at magbangon sa pagkagupiling sa pakakatulog na lubhang mahimbing,at nang maiwasan daluyong ng bagyong darating. matalim na titig ng mga dayuhang uhaw at sakim at sa mismong mga anak mong mapag-imbot ang hangarin, nagtaksil sa inang kumupkop nag-aruga ‘t humubog ng damdaming makatao ang hangarin . inang PILIPINAS wag mo rin kalilimutan na may mga anak ka rin na nagdurusa at nagtitiis na malayo sa yong piling upang mabigyan ng konting ginhawa iniwan na supling… MABUHAY PILIPINAS… MABUHAY KABAYAN!!!!
simula sa umpisa hanggagat sa katapusan ng article nabasa ko ito,naalalla ko yung program namin ng highschool,katulad ng katulad if iam right “babaeng puta” yung title ng sa amin stage play sya for filipino subject..yup tama ang article na ito pinapatungkol sa mga taong gahaman sa ating lipunan ang mga ofw na naghigirap magtrabaho sa ibang bansa malayo sa pamilya makatikim ng kaginhawaan sa buhay ang pamilya nagtirtiis sa pangaalipin at diskriminasyon ng mga dayuhan..dapat maipakalap ito article sa lahat may kapupulutang aral para sa ating lahat..per kahit ganun pa man PROUD ako maging isang filipino…
Yung isang foreigner, gusto kang pakasalan Pilipinas. Pero humindi ang isang anak mo, sino nga ba? Si Emilio Aguinaldo.
Hindi lang 3 malibog foreigners nag-rape sa iyo, matagal na yon. Ngayon, 90 million pilipinos ang pumalit. Tayo tayo, nagnanakawan.
Itigil natin para sa ating kinabukasan.
Thanks so much DF! It’s an honor to be featured and to reach more Filipinos. Mene, Mene, Tekel, Upharsin (Daniel 5:25) Many times the writings on the wall had been ignored by the deluded. Wisdom is never learned with a diploma, it is earned through honest discernment.
For those who has a beef with the article’s title, it was written NOT to scorn, how else can we portray our country when it has almost reached it’s darkest hour. had i not portrayed her as such, walang maantig. Please don’t take words at face value,understand the underlying reasons why things are such. I interviewed Putas while I was a student, and I don’t think lowly of them. I respect them for a trade they chose out of any other recourse to feed their kin. It is trade that takes too much of a woman, I can’t even imagine doing it but these women gave themselves to that profession because of limited education and awareness.
I say no to sweeping generalizations and being judgmental of others. It is easy to condescend and pass judgment on the premise of moral high ground. Can we recall Jesus condemning Mary Magdalene or Judas? It was out of Mary Magdalene’s own volition to follow and it was out of guilt that Judas hung himself.
But Pharisees see wrong in black and white, and has no hesitation casting the first stone.
sobrang nagustuhan ko ang kwento mo pilipinas…sana mabasa ng lahat para ma open sa kanila ang dinaramdam mo…
Ang istoryang ito ay sumasalamin sa kalagayan ng ating bansa sa panahong kasalukuyan. Nung umpisa ko itong basahin ang akala ko ay isa lamang itong blog ng inang nagdadalamhati, subalit habang tumatagal ay lalo akong nagiging intresado sapagkat tugmang tugma ang mga salitang ginamit patungkol sa sakit ng ating lipunan. Sana sa pamamagitan nito ay magising ang sambayanang pilipino kung ano ang tunay na dahilan kung kaya’t patuloy tayong nakakaranas ng kahirapan. Makialam ang bawat isa hindi lamang ang mga makapangyarihan na nasa poder kundi gayundin ang bawat mamamayan na siyang pinakamahalagang bahagi ng lipunan na ating ginagalawan, simula sa pangulo, sa kongreso at senado,maging sa kaparian na nais din makialam sa kalagayan ng sambayanan subalit wala naman magawa kundi tuligsain ang dapat sana ay magandang hangarin ng pamahalaan sa sambayang pilipino,nawa’y maging daan ang mensaheng ito sa pagbabago ng ating bansa.Gabayan nawa tayo ng Dios.
grabe ang tindi ng impak nito…mrme nga sa atin ang nsa gnitong sitwasyon…. slmat at nbasa qu tong article nyu ang gnda….
Aaminin, ko habang binabasa ko ‘to, akala ko tungkol ito sa totoong tao. Gusto kong sigawan yung babae, bakit ka nagpaanak ng napakarami? bakit mo pinabayaan ang sarili mo? Nang matapos kong basahin ito ng buo, tinamaan ako at napaisip. Unang reaksyon ko, ang galing ng sumulat nito, meron parin pala sa atin na nagiisip at nakakapuna ng mga pangyayari sa ating bansa .
Pangalawa, nakakapanghinayang na iilan lang ang ganitong magisip sa atin. Ang karaniwan sa atin ay nasa harap ng telebisyon o computer. Naktunganga lang habang unti unting lumulubog ang bansa natin, imbes na magsumikap kahit anong mangyari. Pero masisisi nyo ba talaga sila?
Pangatlo, may katotohanan ito kung ikukumpara ang storya ng pilipinas sa sambayanang pilipino. Ang daming pilipinong nagsisimula ng pamilya, kahit alam naman nilang hindi nila kaya. Mahirap na nga sila, mas malaki parin ang pamilya kaysa sa mga pilipinong may kaya. Sa tingin ko, bukod sa gobyerno, isa sila sa mga dahilan kung bakit hindi makaahon ang pilipinas sa kahirapan.
Grabe, till now, tagos pa din sa puso ang mensahe netong article na to. Kahit alam ko ang ending, sobrang nakakapanghina pa din.
I remember reading this nung 2nd year college ako. Mas may lalim, mas may kagat yung dating ng paghihinagpis sa bersyon na ito ngayon.
Ang pinakamasaklap aminin tungkol dito sa prosang ito ay ang katotohanang 6 na taon na ang lumipas simula ng paglalathala nito, pero mukhang wala pa din tayong natututunan mula dito. Ang sitwasyon na ipinakita sa prosa, ganun pa din hanggang ngayon, maaari ngang sabihin ng iba na mas lumalala pa.
Akala ko’y totoong totoo lahat to pero at the end bansa pala natin pero medyo bulgar ang title kasi may mga taong sensitive at may mga batang nakakabasa nito, more power and God bless