Pasalubong
Likas na sa ating mga Pinoy ang salitang pasalubong, di ko alam kung saan nanggaling ang kaugaliang ito pero natanim na ito sa ating mga isipan na kapag umalis tayo ng bahay at pumunta sa kahit saan, ang mga bata o anak natin ay umaasa na me dala tayong pasalubong.
Naalala ko pa noong maliliit pa ang aking mga anak, kapag ako’y papasok na sa trabaho,tatlong salitang paulit ulit lang ang maririnig mo sa kanila,”luv u,ingat, dala” (dala means pasalubong, me dala ka sa pagbabalik mo). Kaya kung ayaw mo ng me tampuhan sa pagdating mo, nakahanda na ang pasalubong mo gaano man ito kamura o kaliit.
Ngayong nasa ibang bansa na ako namamasukan at kumikita na din ng sapat para sa pamilya, pasalubong pa rin ang problema ko kapag nalalapit na ang aking bakasyon. Dangan kasi nauso pa ito, hindi sa ayokong gumastos ngunit kailangang pagisipan ko pa din kung ano-ano ang dapat kong bilhin para sa kanila. Baka kasi me makaligtaan ako, naku e malaking tampuhan ito. Natuto na akong mag ipon in advance para lang sa pasalubong, limang buwan bago ako umuwi, me mga listahan na ako ng dapat kong ipasalubong, me budget na kada buwan kung sino-sino na ang me mga bilin o nais kong bigyan ng pasalubong. Ang hirap din kasi ng nasa ibang bansa, tila di rin iniisip ng ating mahal sa buhay sa Pinas na di tayo namumulot ng dollar o ng dirhams. Me mga samaan pa ng loob kapag ikaw ay di nakapag bigay.
Bagamat me mga ganoong sitwasyon, masarap pa din ang me dala kang pasalubong para sa kanila, ito ung mga bagay na magbibigay sa kanila ng kasiyahan. Nawawala ang nararamdaman mong hirap sa paghahanapbuhay sa ibang bansa kapag nakita mo ang mga mahal mo sa buhay na nasisisyahan sila sa mga mumunting bagay na pasalubong mo sa kanila, na sila’y inalala mo habang nasa ibang bansa ka.
Kaakibat na ng kulturang Filipino ang pasalubong, mayaman man o mahirap,professional o skilled, labors or domestic helpers kapag dumating na ang araw ng kanilang bakasyon o pagbabalik sa Pinas, pasalubong pa rin ang nasa isipan para sa kasiyahan ng kani-kanilang mahal sa buhay. Di na kayang alisin iyon, di na kayang burahin ito, di na kayang baguhin sapagkat isa ito sa sukatan ng ating pagmamahal at kahalagahan doon sa mga taong ating iniwanan.
Kaya sa aking mga kababayan na nasa ibang bansa at nalalapit na ang bakasyon o malapit ng manumbalik sa Pinas, ihanda na ang sarili sa isang gastusan sapagkat kahit wala silang hinihingi parang obligasyon na rin natin na magdala ng pasalubong para sa ating mga mahal sa buhay.
Ipakita at ipadama ang kahalagahan at pagmamahal sa kanila sa pamamagitan ng pasalubong.
…”me dala (pasalubong) ako”…
©Copyright 2011, Filipino | Definitely Filipino™. All rights reserved. Copying of any article from this Definitely Filipino blog without permission, is strictly prohibited. DISCLAIMER: All articles are opinions of their respective authors and not necessarily of the site owner and Definitely Filipino.




bringing home pasalubong ay magandang kaugalian depende nga lang kung ito’y kaya pa ng bulsa. hanga ako s mga Thai people dhil khit saan cla mgpunta meron at meron laging pasalubong khit halagang sampung piso lng yan o mas mababa pa cla ay masayang nagbibigay. sana ganyan din tayo. hindi ung presyo ng bagay ang titingnan natin kundi ung puso ng taong nagbigay o nagpasalubong.
korek ka jan ang alam kc stin pg OFW madami pera not thinking we have our own family na umaasastin.
I love pasalub0ng!
This is the drawback of some poor OFWs… Ang pagpipilit na maibili ng Pasalubong ang buong barangay instead na ipunin ang perang kinita for basic family needs.
Korek ka diyan kabayan, gastusan talaga ‘yang pasalubong, hindi naman masyadong problema kung pakonti-konti mong binibili at iniipon. Ang problema ay yung pagkakasyahin mo lahat sa maleta ang mga pasalubong na ‘yan, pagkatapos ay titimbangin kung husto sa allowed kilos mo sa airplane. Pag nasobrahan ka sa allowed luggage ay pilit mong bibitbitin sa hand carry dahil pinaglaanan mo na ng gastos at panahon. Stop-over dito, stop-over doon ay puno ka ng abubot at di magkandatuto sa paghahanap ng susunod mong flight. Very inconvenient way to travel.
Sa pag-alis mo at pabalik ka na sa trabaho ay magba-budget ka pa rin para sa pasalubong sa mga kababayang hindi naka-uwi. May nagbilin ng bagoong, daing, mangga, laing, buko-pandan, yosi, boy-bawang etc. at balik ka naman sa problemang over-weight luggage. Hindi mo rin puwedeng tanggihan ang mga regalong padala o pabaon bilang ganti sa mga pasalubong mo. Hahaha!!! matatawa ka na lang, pero mapa-abroad o hindi yang pasalubong ay naka-ugat na sa ating mga pinoy….
its part of our being family oriented. in a way, it brings our family closer and it shows that we are “mapagmahal at maalalahanin”.
Isang magandang kaugalian ng mga Pilipino. Pagyamanin ang kaugalian at kulturang Pilipino….Pilipino ako, Ipagmalaki mo!
3rd
speaking i missh the phil..:((
2nd
1st