by
on
under ,
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Site Admin

Usapang RH Bill

Yan ang isa sa pinakamainit na talakayan ngayon sa Pilipinas. Mayroon kasing isang aktibista na nakabihis-Rizal ang pumunta sa isang simbahan na may dalang plakard na “Damaso” a la Noli Me Tangere. Sa aking pagkakaintindi, ginawa nya ito bilang sagot sa ibinantang “civil disobedience” at pagwewelga ng simbahan sa pagpasa ng nasabing panukalang batas.

Bago ang lahat, nais ko munang ipahayag ang mga sumusunod. (1) Binyagang Katoliko ako (baka maging eks komunikado kung sakaling hindi magustuhan ng simbahan ang sasabihin ko). (2) Kristiyano ako at may pananampalataya sa Diyos (pati ang simbahan walang magagawa sa paniniwala ko kay Kristo, paniniwala ko yun e). (3) Madalas akong nakikibalita sa mga nangyayari sa ating minamahal na bansa. Pero bihirang makapanood ng balita. Madalas sa “internet” lang. Kaya hindi ko rin sigurado kung tama ang mga nababalitaan ko. (4) Hindi ko pa nababasa (at malamang hindi ko babasahin) ang detalye ng nasabing RH Bill. Pero higit sa lahat, ang dapat nyong malaman sa akin ay ang di maitatangging katotohanan na (5) marami akong opinyon sa mga bagay-bagay. At ibinibigay ko ito kahit hindi hinihingi. Itanong nyo na lang sa mga nakakakilala sa akin at malamang di lang masigabong pagtango at “oo” ang matanggap nyo.

Philippines - Manila Cathedral
Creative Commons License photo credit: © Salim Photography/ www.salimphoto.com

At eto ang aking opinyon tungkol sa mga nangyayari sa paligid ng batas na ito.

Tungkol sa “Damaso”
May katapangan ang gumawa. Masaya ang iba. Galit ang iba. Naaaliw tayo ngayon at may napapag-usapan. Ang masasabi ko? Lahat ng bagay may tamang lugar at tamang panahon. Gayong nangyari na, sana lang may maganda ngang magiging dulot ito. Malalaman natin. O baka hindi rin.

Tungkol sa “Civil Disobedience”
Medyo nabigla ako ng narinig ko ito. May respeto ako sa simbahan at bilib sa mga may lakas ng loob na duminig sa tawag ng Diyos para magsilbi. Pero naaalala ko kasi yung sinabi ni Kristo kay Pedro. “Ang nabubuhay sa patalim…” alam nyo na yung kasunod. At wag nyong sabihing “…pag natinik malalim”.

Tungkol sa “Abortion”
Sasabihin ng iba na dapat gawing ligal. Ligal man o hindi, may gumagawa naman daw. Kaya dapat gawing ligal. Pero sa tingin ko dapat gawing iligal para mag-isip-isip naman yung nagbabalak gumawa. Sa paniniwala ko, bawal ang pumatay. Period.

Tungkol sa “Condom”
Kung solusyon ito para maiwasan ang AIDS at iba pang STD, baka nga may silbi.

Tungkol sa “Abortion” at “Condom”
Malamang iniisip nyo magkaiba ang opinyon ko sa dalawang bagay na mukhang magkapareho. Nakakalito di ba? Minsan nalilito na din ako. Pero tunay naman kasing masalimuot ang isyu na ito gaya ng lahat ng diskusyon sa moralidad ay masalimuot. Gray ‘ika nga. Ang iniisip ko lang. Iligal ang abortion ngayon (sa pagkakaalam ko). Kaya mas konti ang gumagawa (sa tingin ko) dahil nga iligal. Ligal ang condom. At sa dami ng bumibili at kung paano ibinebenta mukha namang ligal. Pag ipinagbawal, ilan kaya ang susunod? At maipapatupad nga kaya ng tama? Minsan gusto natin ng pagbabago sa mga bagay na baka hindi naman dapat baguhin. Tapos yung mga dapat binabago ayaw baguhin. (Maraming nakataas ang kilay alam ko).

http://www.facebook.com/profile.php?id=1527017758

 

Tungkol sa “RH Bill”
Tulad ng nasabi ko hindi ko pa ito nababasa. Kaya sa totoo lang, wala akong opinyon dito.

Ang alam ko lang, naniniwala ako kay Kristo. At dahil dito —

(1) Naniniwala ako sa panalangin. Kaya ipinapanalangin ko na sana tama ang gawing desisyon ng mga naihalal nating mambabatas. (Yun ang trabaho nila e. Sabihin kung ano ang ligal at hindi. At pag mali e di baguhin ulit). At dahil din sa pananampalataya ko, naniniwala ako sa pag-asa (“hope” hindi yung nagsasabi kung may bagyo o wala). At natutunan ko na din namang tanggapin na hindi lahat ng ligal e tama at moral. Pero lahat ng ligal e dumadaan sa proseso ng gobyerno.

(2) Naniniwala ako sa moralidad at simbahan. Kaya dapat lang nilang ipatuloy ang pagbigay at pagkalat ng mabuting balita at mensahe ng Diyos sa atin. At magbigay ng pahayag kung ano ang pinaniniwalaan ng simbahan. At matuwa at magpunyagi kapag nasusunod ang ibig ng Diyos.

(3) Naniniwala ako na dapat maging responsable. Kaya sa tingin ko hindi ka dapat gumawa ng anak kung hindi mo kayang alagaan at buhayin. Kung sabihin mong nadisgrasya, panindigan mo. Natuwa ka naman yata nung ginagawa mo e. At dapat ding maging responsable na dapat sabihan ang mga kapamilya, kapuso, kaibigan at kapwa mamamayan na mag-ingat at kung paano mag-ingat. Nakamamatay ang AIDS. Ganun e. Nakamamatay talaga e. Ang buod e kung ayaw mong madisgrasya e di wag mong gawin ang sa tingin mong delikado. Dapat lang ipaalala ang mensaheng ito sa ating mga kababayang nakakalimot.

(4) Pinipilit at pipilitin kong lumakad sa matuwid na landas base sa pananampalataya ko. Palagi ko bang nagagawa? Malamang hindi. Pero sinusubukan ko.

At yan ang opinyon ko. Na hindi nyo hinigi. Anong masasabi nyo?


You may also like these articles:

  • Legazpi

    Ang pagpigil ba para makabuo ng bata ay isang KRIMEN? Walang pagkakaiba yan sa SARILING SIKAP ika nga! RH Bill kung kasama ang abortion sa batas na yan ay hindi dapat. Pero kung two child policy walang problem. Maawa naman po kayo sa mga sanggol o kabataang walang kinalaman para danasin nila ang hirap sa panahong ito. Mas malaking kasalanan kung ang kabataang lalaki ng walang alam. Sinong magulang ang gustong danasin ang hirap na nakamtan nila? Wala di ba? Hindi aasenso ang isang lugar kung marami ang mangmang. Sana naman malayo ang PAGPIPIGIL sa BUO NA!

  • siguro nga tama ka sa mga sinasabi mo…. Pero sa aking palagay dapat wala ring anti-RHB kahit may pro-RHB. siguro mas aayon ako sa simbahan kung ung stand nila ay “AYOKONG MAGING LIGAL ANG MGA ARTIFICIAL AT AYOKO RIN MAGING LIGAL ANG NATURAL”. kasi para san pa’t tatanggalin nila ung artificial eh ituturo din naman nila ung natural dibha..? hindi naman sa ayaw ko na silang gumawa pero bilang isang mag-aaral, natatakot lang ako na pagnaturuan kami kung panuh ginagamit ung natural eh parang napatupad din ang RHB….

  • hehehe

    hehehe..

  • hindi nman necessary ang pag-gamit ng contraceptives pwede naman mag-abstinence eh :inlove:

  • Sarah

    para sa akin, hindi nman kailangan gumamit ng mga contraceptives in order to have a family planning… the best way is, we have to be responsible always… think first what you are going to do…

    • Anone

      See more about what RH Bill really proposes. It provides and aims to inform what are the options, not mandating the contraceptives. You can check this link: http://bloggerokuno.wordpress.com/2010/10/06/360-on-reproductive-health-bill-and-carlos-celdran%e2%80%99s-case/

      • John

        options? what about the Prohibited acts? what about the enFORCING of the Ideal Family Size? what about the contraceptives that companies have to give to their workers? sorry, they are not options but orders. haha, why even create a law if the need to follow it is optional?

      • John

        options? what about the Prohibited acts? what about the enFORCING of the Ideal Family Size? what about the contraceptives that companies have to give to their workers? sorry, they are not options but orders. haha, why even create a law if the need to follow it is optional?

    • diego

      yun nga ang problema eh..d sila nagiisip sa mga bagay ng ginagawa nila kaya ayon maraming kababaihan ang nabubuntis ng d inaasahan.

  • Anone
  • dalagangpilipina

    Bakit naman ang America? They’re allowing it pero mataas pa rin ang abortion?

    Pustahan tayo, kapag pinayagan ito, lahat ng tao KAHIT ANG KABATAAN, gagawin at gagamitin dahil normal na. Hay isip naman tayo mga kababayan.

    Nasaan na ang values?

    Celdran just wants publicity. Ayan napansin ka na in the middle of the mass pa. Please respect my church. My church repects yours naman. Tsk.

    Konting respect lang.

  • chris

    about civil disobedience- the proponents of that failed to consider the following points: first of all, do they have credibility to call for civil disobedience? secondly, not all Catholics are against artificial method because they know that natural method does not work with their biological clock and they know how many kids can they feed and educate. to me, thats wise. i believe God did not mean for us to produce offspring that we cannot be responsible of. the purpose of the law is to educate the individuals on responsible parenthood. whats wrong with that? after all, its the individual’ s decision whether or not to do something with his body.

  • noems

    noon pa man, maraming mga babae ang nagpapalaglag,,dahil sa illegal ito ang mga quack doctor ay hinuhuli,, meron ding mga nanay dahil sa sobrang dami ng anak ay sinasadya niyang ipalaglag ang bata,,meron ding mga hindi pa handang magkaasawa ay pinalaglag ang bata. Ang tanong ko lang SAFE ba ito para sa mga babaeng ayaw magbuntis? Dahil sa alam nilang masama ang kanilang ginagawa, ay patagong magpalaglag.. Sa totoo lang maraming mga babaeng namamatay dahil sa patagong pagpatanggal ng bata at hindi successful ang proseso at dahilan ng ikinamamatay ng iba…Hindi ako tutol na magkaroon ng abortion dito sa atin, meron din namang batas para dito. Dahil isa akong nanay na nagpatanggal ng bata sa aking sinapupunan, nasa ibang bansa ako at nabigla sa nangyari, dahil wala pa kaming ipong pera para sa kinabukasan ng mga anak namin,hindi kami handa,kung ipagpatuloy namin kaya nag-decide kami… kailangan din ng consent ng asawa at mga magulang, hindi pwedeng basta-basta nalang ipalaglag mo ang bata,at dahil sa dalawa na ang aming anak pinayagan kami ng hospital na ipalaglag..Hindi ako takot magpalaglag sa hospital dahil may tiwala ako sa kanila, malinis at safe para sa mga babaeng gustong magpalaglag. kung gusto nating magmalinis sa mata ng tao, kailangan din nating maging malinis sa ating sarili at safety..Bakit kailangan pa nating magtago? Bakit kailangan pa nating magmalinis? pareho tayong tao na may karapatang magkaroon ng safe na pamamaraan ng abortion.

    • Don Pepe

      SAFE? Pinatay mo ang sarili mong anak!!! Yung linaglag mo, anak mo, may buhay na yun, walang tinig, walang nakikikita, pero alam NIYA, pinatay mo SIYA!

      SAFE ba yun? Safe sa’yo, pinatay mo ang anak mo. Makasarili ka, hindi ka pala handa, ba’t mo ginawa? Kasalanan ba yun ng anak mo? Ikaw ang gumawa ng pagkakamali, anak mo pinagbayad mo! Wala kang konsensya! Ikaw ang dapat nagbayad ng pagkakamali mo.

    • Don Pepe

      Ikaw ang nagkamali, ikaw dapat ang nagbayad. Ikaw dapat ang namatay, hindi ang SARILI mong anak na walang malay.
      SAFE sayo ang kamatayan ng anak mo. makasarili ka. Sana pagtanda mo, maisip ng anak mo na SAFE sakanila na mamatay ka na lang dahil hindi sila handa na alagaan ka

  • Pepe

    The end does not justify the means! or does it?

    Ang posisyon ng simbahan ukol sa usaping ito ay tama at nararapat, maaring hindi katanggap tanggap sa marami at hindi praktikal.

    Kung sasangayon ang simbahan dito, parang sinabi ng simbahan na OK na pagbigyan ang SEXUAL urges kailangan lang walang consequence.

    Ang mensahe ng prinsipyong ito ay maaring ipahayag sa ganitong paraan. Dahil ang natural na consequence ng sex ay ang posibilidad na magkaanak, maaraing lunasan ito basta gumamit ng condom o ibang method. Pero malinaw na ang layunin ay PAGBIGYAN ANG SEXUAL URGES NA WALANG CONSEQUENCE. Kung ito ang prinsipyo na gustong ipalulun sa simbahan ng karamihan at kung lulunukin ito ng simbahan dahil sa pressure ng “karamihan” wala nang prinsipyo ang simbahan na sasandalan para komontra sa naglipanang “night spots”, prostitution at promiscuity. Dahil ang pagsang ayon dito ay nangangahulugan ng pagsangayon sa pagbibigay sa makamundong pagnananasa basta walang consequence(pagbubuntis).

    Di na rin dapat kontrahin ang pakikipag sex kung kanikanino dahil pagbibigay daan lamang ito sa “pangangailangan ng katawan” basta gumamit lamang ng condom.

    At kung ganitong prinsipyo ang susundin, ok lang ba gumawa ng bagay na makapagpapasaya sa iyo basta walang consequence. Pwede na ba mang rape basta i-drug muna yung babae para walang discomfort sa kanya, walang maalala at kung gising yung biktimang babae, dapat siguruhing maliligayahan din siya at importante mag condom para di magbuntis at wag pahuhuli para di makulong. Kung magnanakaw(para maligaya) ka, dapat wag kang pahuhuli para di ka makulong (consequence). O kaya i legalize na lang ang pagnanakaw?

    Ano kaya ang komunidad na kagigisnan natin kung ganitong prinsipyo ang paiiralin? Anong klaseng igesia kaya ang katolisismo kung sasang-ayon sila sa ganitong prinsipyo?

  • cguro nga tlga its about time to speak up and shout IF NECESSARY…kpag nkatingin lang tayo at nagmamasid akala nila ok lang tayo o kaya wala tayong alam, kailangan paminsan-minsan ipahayag din natin ang sa pakiramdam natin tama at relevant sa buhay natin DHIL TAYO ANG APEKTADO SA RH BILL NA ITO HINDI NMAN SILA…NOW.. sila nman ang makinig ….PAKIUSAP LANG PO….LET THE PEOPLE DECIDE FOR ITSELF…..ipasa ang RH Bill!!!!

  • Carlo

    Re: #3 Dapat tayong maging responsable. Tama. Iyan ang payo ng simbahan. Dapat planohin ang pamilya sa natural na paraan at hindi sa paggamit ng instrumento o condom o contraceptive. Ang panganib sa pagpapagamit ng condom ay dadami ang maghahangad ng makalaman o sex sa labas ng matrimonyo, lalo na ang mga kabataan.

    • Moral Shmoral

      Stupid.

    • JOBERT

      NSA TAO NA PO IYON