PEOPLE!

MAKE SOME NOISE!

at parang mga batang utu-uto, sisigaw naman ng ubod ng lakas ang mga nanunood.

WOOOOOHH!!

Lahat ng klase ng ingay, dito mo maririnig.

Tulad ng sigaw ni manong, ang nakakabibinging tili ni ate, mga talak at pang-aasar nitong mga taong nakabihis pang Rap na samahan mo pa ng iba’t ibang uri ng amoy na nakasusulasok tulad ng yosi ni pare sa sulok, amoy beer na hininga nung katabi mo, mga sosyalistang di maintindihan ang amoy dahil sa naghalo-halong pabangong victorias secret, imari, at kung ano-ano pa.

Ganito ang kalakaran sa buhay fliptop.

Nung una, ilag ako sa larangang ito dahil sa and dating sa akin ay baduy. Lumipas ang mga araw at patuloy pa rin akong inuudyok ng aking makulit at feelin rapper na pinsan na subukang manood ng nasabing palabas.

Sa youtube ko unang nasilayan ang fliptop. First match-up na napanood ko ay yung kina CAMELTOE at DATU, grabe, it’s so BADUY! but nung dumating na ang2nd at 3rd round, tila unti unting nagbago ang aking pananaw. Bumilis ang bawat pagtibok ng aking dibdib,–harhar–sinubukan kong wag pakinggan ngunit di ko na mapigilang abangan ang bawat salitang nanggagaling sa mga bibig ng mga taong ito.

Hindi naman pala sila “BADUY”. Masasabi ko pa ngang “ASTIG SILA”, sapagkat di tulad ng ibang tambay sa kalye, ang mga taong ito ay nagbibigay aliw sa bawat manunood. Sila ang mga makabagong MAKATA, animoy anak ni BALAGTAS. Sa mga ratsada ng mga himnong kanilang binibigkas ay naipapakita ang katangian ng isang tulang mula sa kanilang malawak na isipan. Eto’y walang praktis, lahat ng sinasambit ng mga Rappers ay impromptu kaya mas lalo akong napabilib ng mga talentadong ito.

At dumating ang pagkakataon sa aking buhay na subukan ang kanilang mga ginagawa. Hindi pala ito ganun kadali sa inakala ko. Malaking espasyo na pagsasanay pala ang kailangan at malawak na pag-iisip, yan ang mga elemento ng matagumpay na fliptop. Ang hurado sa larong ito ay mismong grupo din ng mga rapper, ibig sabihin, walang dayaan ang nangyayari dito. Isa pang batayan sa paghuhusga sa tatanghaling panalo ay kung napasaya niya ang mga manonood. Kumplikado din pala ang fliptop. Ngunit sa oras na ikaw ay manalo, respeto at kaukulang kasikatan ang magiging hatid nito sa’yo.

Hindi man ganoon kagandang pakinggan ang mga batuhan ng masasalit na linya ng mga makatang ito, gigawa lang naman nila ito dahil sa kanilang sining. Sining kung saan nila naipapakita ang kanilang katalinuhan at talento. Saludo ang dalawang kamay ko sa mga taong ito dahil sa nakukuha pa nilang magkamayan pagkatapos ng isang mainit na diskusyon ng asaran at siraan gamit ang mga linyang may tugma. Napakagaling!

Hindi pala Baduy ang fliptop, bagamat may mali sa mga salitang kanilang sinasambit, iyon naman ay para sa sining na kanilang ginagawa. Iyan ang Fliptop. . .

ang makabagong BALAGTASAN.