by
on
under
tagged
Permalink



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Caloy

May Layang Mabuhay – Ang Mga Lumba-lumba

About Caloy Libosada

I have been a tourism and travel advocate not only because I've seen the beauty of the Philippines but also realized how tourism can change the lives of the people who benefit from the industry.

How To Earn In Video Forex Trading

here Terms Used In The Stock Exchange Market

Javascript Forex Real Time News Software

http://shopival.com/?p=Binary-Option-Chart-Analysis-System-2000 Binary Option Chart Analysis System 2000

http://adelaidedivewreck.com/?option=Dashboard-For-Forex Dashboard For Forex

Minsan nga ay makikita mo sila na kusang lumilingon sa iyo at tititig na para bang may gustong sabihin. Naaalala ko tuloy ang mga kuwento ng mga kaibigan ko tungkol sa mga matamis na enkwentro nila sa mga lumba-lumba. Mas magaganda kasi ang ilang enkwentro nila kumpara sa akin.

May pinsan ako na nagtrabaho sa isang barkong pangisda sa Mindanao. Minsan ay may kasama siya, na sa kalasingan, ay nahulog sa barko! Dala-dala raw ng lasing na tripulante ang de-tiklop na papag na nagligtas sa pagkalunod niya. Ang malas, walang nakamalay sa kanyang pagbulusok sa malalim na dagat. Sa loob ng dalawang araw ay palutang-lutang siya sa dagat Celebes bago siya nasagip ng isa pang barko Ang kuwento niya, sa ikalawang gabi ng palutang-lutang niya sa karagatan ay napalibutan siya ng napakaraming pating! Akala ng tripulante ay katapusan na niya. Pero bago pa man siya malapa ng mga pating ay nagdatingan ang sanlaksang mga lumba-lumba na nagtaboy sa mga pating.

Ang kaibigan ko namang si Rowena ng siyudad ng Bais sa probinsiya ng Negros Oriental ay nagtrabaho bilang giya ng mga turista na sumasali sa Dolphin Watching tours. Minsan sa paglaot nila upang magdala ng mga turista sa lugar ng mga lumba-lumba ay may napansin ang grupo ni Rowena ng may sumusunod na maliit na pangkat ng mga lumba-lumba. Walang humpay ang pagsunod ng mga hayop sa bangka, pero unti-unti silang nababawasan. Hanggang sa isa na lang ang natitirang lumba-lumba na pinipilit lumangoy papalapit sa mga tao. Tumigil sina Rowena upang siyasatin ang hayop. At sa kanilang pagkamangha ay kitang-kita nila na may na buntot ng maliit na lumba-lumba na nakausli sa bandang ilalim ng tiyan ng hayop. Nanganganak pala ang lumba-lumba! Habang nakahinto ang bangka ay paikot-ikot ng mabagal ang kawawang hayop.

Nagtalo-talo ang mga tao sa bangka kung ano ang dapat nilang gawin. Humihingi ba ng tulong ang lumba-luba? Dapat ba nilang tulungan ito? O, dapat ba nilang hayaan na ang kalikasan ang gumawa ng paraan para sa hayop?

Nagkasundo ang lahat na susubukan nilang tulungan ang nanganganak na lumba-lumba. Sa muli nilang pagkagulat, pinabayaan ng hayop na hawakan siya ng tao at kusa itong humimlay sa bisig ng tao. Maayos nila itong naisampa sa malaking bangka. At unti-unti ay tinulungan nilang mailabas ang sanggol na lumba-lumba. Subalit, patay na ito ng mailuwal. Maging ang ina ay pumanaw makalipas ang ilang sandali.

Marami ang nagtatalo kung tama ba o mali ang ginawa nina Rowena. Pero mali man o tama, ang isang malinaw na bagay ay nagtangkang humingi ng tulong ang lumba-lumba sa tao.

May isang lugar sa bansang Australia na kung saan sikat na sikat ang isang grupo ng mga lumba-lumba. Doon, malaya silang nakakalapit sa mga taong naliligo sa dagat. At ang mga tao naman ay nagagawang hawakan ang mga hayop. Magandang panoorin ang tanawing iyon. Parang nakikipaglaro ang mga hayop na malaya sa mga taong nakakaunawa sa kanila.

Kabaliktaran ito sa nangyari sa isang lugar sa Pilipinas maraming taon na ang nakakalipas. May dalawang bata na nasa pampang ang kusang nilapitan ng dalawang lumba-lumba. Masarap sanang isipin na gustong makipaglaro ng mga hayop na iyon sa mga bata. Subalit iba pala ang nasa isip ng mga matatanda ng kasama ng mga bata. Dala-dala ang mga gulok, pinatay nila ang mga hayop!

Hindi na natin malalaman kung ano ang nais ipahiwatig ng mga lumba-lumba sa mga bata.

Ngayon ay bawal nang pumatay ng lumba-lumba sa Pilipinas. Sana, protektado man ng batas, mas lumalim pa ang pang-unawa at pagkalinga natin sa kanila.


Posted in | Tagged |



Disclaimer: Definitely Filipino is a community blog. All who write for this blog are independent, unpaid authors. All views, content, images are the responsibility of their respective writers and not of Definitely Filipino. Please contact the author directly with questions about this article.
Send a private message to author Caloy



5 Comments |
  • @ Nessy,

    Thank you for your very positive comment! May maganda akong balita – dumadami na ang dolphins sa Pilipinas at maraming lugar na rin pwede mag dolphin watching. Pati mga balyena! Dumadami na rin sila! In fact, only a few months ago, merong positive sighting ng blue whale somewhere in Bohol. there is indeed hope for the marine mammals in the Philippines.

    Caloy

  • Nessy

    Ganda ng entry na to! My favorite seawater animal is dolphin po 😀

    I watched a documentary in youtube about them, but then yong focus mostly is about the bottlenose dolphins… it’s amazing how they evolved with humans. There was a statement from the host that if only dolphins have a “thumb”, may kamay na sila na pwedeng gamitin to do similar things like humans. POssibility is huge percentage. Kasi according to studies recently, they can understand and analyze situations. Better than monkeys but eventhough we came from same ancient ape ancestor, they do not understand the meaning of “pointing a finger” – for example. Dogs have to be trained to follow instructions. But with dolphins, it’s not necessary. Kumbaga napa-pass on ang knowledge na friendly sila sa mga humans. Nasa genes, ikanga. ^___^

    They seem to understand not only pointing of fingers but also can see what’s behind the picture. That’s a unique evolution of intellectual.

    I hope more Filipinos will be aware how important these animals to the sea, too. In Brazil , fishermen have developed a friendly relationship with the dolphin dwellers there and they helped the fishermen to catch bounty of fish. ^_^ .

    But yes, because they’re an intelligent specie, they easily get bored.
    That’s why they learned to entertain themselves. Their social behavior is no different to humans or other animals that live by pack or pride. They also have strong emotions comparable to humans.

    So sana, patuloy nating i-preserve ang mga lumba-lumba. Nakakulong man sila o hinde, as long as yon ang paraan para maipakita and to inform people about the social life of these animals, I think more Filipinos will eventually be able to understand their behavior. One example na po, yong anecdote ng friend nyong si Rowena , witnessing a childbirth. I don’t think it is anyone’s fault that they died. It is a natural thing to feel empathy towards any living things other than people. Yong hope ko lg po, magkaroon ng animal rescue team jan sa Pilipinas na nagfu-function to help these creatures when they’re giving birth.

    Thank you po sa inspiring entry and dahil sa inyo, nalaman ko kong ano ang tawag sa dolphin sa FIlipino. 😀