10 BROKEBACKAN Moments Sa NBA

shirts-skins_ensemble-4Tuwing buwan ng Mayo at Hunyo, nag-iiba ang kilos ng mga kalalakihan.Tinatamad ng pumasok sa opisina at hindi na mautusan ng kanilang mga nanay kahit ultimo ang pag sandok ng kanin sa kaldero.Kala mo kinukubabawan ng espiritu ng puwet ng manok.Laging tutok sa tv at walang time makipag usap sa dyuwa.Bigla nalang nagsisisigaw ng “Pukeng ina ka Lebron,patalo ka!!”.

Walang duda,NBA fever na nga!Kadikit na sa kultura nating mga Pilipino ang pagka-humaling natin pagdating sa larangan ng basketbol.Wala kasi itong pinipiling status sa buhay.Mayaman,mahirap,bakla,tomboy,matanda,bata,pilay,emo,adik,tambay,artista,pari, lahat  yan  pweding maglaro ng basketbol.Tayo nga daw mga Pilipino ang  isa sa pinaka die hard fans pagdating sa sports na yan.Isang patunay dyan ay kung maglalakad-lakad  ka sa ilang lansangan  sa kamaynilaan,halos bawat kanto na madaanan  mo eh merong half court ring.Nagsisilbi narin kasi itong “territorial symbol” ng mga tambay sa  isang kalye or lugar.

Sa panahon ngayon ,pati mga kababaihan eh hindi narin papatalo.Nakikimura na din sila kay Lebron at Parker.Minsan  ko na ding pinangarap na maging isang sikat na basketbolista  sa UAAP.Anlakas kasi ng hatak sa chiks bords!Pero yun  nga,hanggang pangarap nalang yun!Ewan ko lang huh,required kasi ata na dapat bukod sa matangkad ka,dapat may itsura ka din.Unfortunately,may itsura lang ako….char!

Usually nga pag may nililigawan ka,expected  na ng gelay na marunong kang mag-basketbol eh.Isa  yan  sa mga katangian  na hinahanap nila at masasabi kong “malaking factor” para sagutin ka ng isang babae.Bukod  syempre sa pera at kotse (bonus nalang kung guwapo ka).Tancha ko dyan,natuturn-off  sila pag hindi marunong mag dribol  man lang ng bola ang lalake.Yung tipong dalawang kamay ang gamit!Deym shame on you dude!Biktima dyan ang mga rich kid  na wala ng ginawa dati kundi magkulong sa bahay at maglaro ng Street fighter at Super Mario.

Ngayon,bilang isang tipikal na pinoy na mahilig sa basketbol,na sumasamba sa sapatos ni jordan,tumataya ng ending o kahit yung mga jologs lang na nakiki-nerbyos sa kung anung uso,  sasabihin ko sa inyu ang sampung bagay na kadalasang nangyayari sa mga players  na hindi mo binibigyan ng sapat na atensyon.Kumbaga sa pelikula,ito yung mga “behind the scenes” ng mga basketbolista.Dapat seryosohin mo ito at wag gagayahin!Importante ito at maraming players lalo na sa NBA ang hindi alam ang mga bagay na to

Ang 10 brokebakan moments sa NBA:

1.) Bromance Epek-Big no no  ito sa isang basketbolista!Lalo na pag nasa professional league kana.Minsan nangyayari  talaga to lalo na sa NBA.Ito yung hindi mapigilang emosyon na dulot ng isang matinding saya,excitement,pagkabigla na nag-reresulta ng baklaan  moments sa court.Kahit na sabhin nating championship game yun at kayo ang nanalo,wala kang karapatan  na i-higa ang ka teammate mo sa floor at magtititigan kayo sa gitna ng libo-libong crowd at milyong milyong fans ng basketball sa buong mundo na parang ganito…..

2.) Yeng Constantino-bawal i-holding hands ang kamay ng ka-teammate mo kahit clutch time!Ito yung moment  na pressure cooker sa team.Tipong last 6 seconds,all eyes sa game,bola nyu at lamang ng isa ang kalaban.Do or die situation!Ito rin yung oras na kelangan ang suporta ng fans at lalo na ng mga ka-team  mo sa bench.Hindi  pwedeng bigla mo nalang hahawakan ang kamay ng ka-teammate mong impakta ka!Dapat yuyuko kalang para magdasal,sumigaw  ng “Shot papahh!!” at umangkla sa braso ng mga  kakampi mo.

pray hard!..
                                                                                “sana mag-jolibee kami after game…”

3.) Pilantik Attitude-Bilang isang basketball player alam  mo dapat  kung anung  body language ang  gagamitin mo depende sa hinihingi ng pagkakataon at sitwasyon.May tamang anyo ng depensa at reaksyon na sinusunod ang bawat isang basketbolista.Hindi pweding kung anu nalang bigla ang naisip mo eh  pupuwedi mo ng gawin sa court.Be sensitive.Wag na wag mo ring i-dadahilan sakin na nagulat kalang or nabigla ka kaya mo nagawa ang mga bagay na to…
aaaay nabali...hihihi
                                                                                           aaaay nabali…hihihi

4.) Starplayer Syndrome-Hindi porke starplayer ka ng team nyu eh malaya mo ng gawin lahat ng gusto mo.Bilang isang sikat na basketbolista,may mga bagay na hindi mo pweding gawin na pweding  gawin ng isang pangkaraniwang manlalaro.Kadalasan nangyayari to sa mga superstar.Lumalaki na ang ulo.Nagpapa-presyo.Ayaw na mag praktis pag pinapatawag ni coach tapos nagiging pasaway masyado at  paimportante.

5.)  Besomucho-Mortal sin to dude! Hindi pwede na sa tuwing nakaka-3points nalang ang star player nyu eh lalapit ka sa kanya at i-bebeso mo sya na hayup ka!Sisigawan mo lang sya ng  “nice dude!!” o kaya sapukin mo sya ng mahina sa ulo.Saka nyu na gawin to pagkatapos ng laro at sa parking area!Pwede rin mo syang i-chest bump sa ere pero wag na wag mong gagawin ito lalo na sa kalaban  nyu….

What the fuck??!..Eeeh!
                                                                                         “Gurl kalurkey yung dunk mo kanina..mwaaah!”

6.) Man to Man Defense-Hindi yan  yung sa porn movie!(bakla ka!)Dito pumapasok ang kasabihang “the best defense is a good offense”.Alam  at naiintindihan yan ng isang marunong maglaro ng baskebol.Kung chiks ka eh medyu hindi mo ma-gegets yan.Pero isipin mo nalang ang slogan na ito “prevention is better than cure”.Parang ganun narin yan.Mas mahirap nga daw i-execute ang depensa kesa sa opensa.Madali lang naman mag-shoot eh.Sa limang players na nakasalang sa court,lahat yan kayang gumawa ng puntos,pero yung depensa hindi .Mahirap eh!Pero kung dedepensa ka naman sa kalaban,siguraduhin  mo lang na hindi kayo magkakaroon  ng “awkward moments” katulad ng ganito…

hmmm amoy pinipig...
                                                                                             “hmmm amoy pinipig…”

7.) Locker Room Boys– Pagkatapos ng laro,natalo man kayo,hindi nyu kelangang gawin  ang mag-usap usap sa locker room na para kayong nag-gugurl talk na gaya ng ginagawa ng mga kababaihan  pag may sini-share silang kilig moments.Bawal pag-usapan dun  kung gaano ka guwapo si  Cris Tiu at kung gaano kalaki ang braso ng mga kalaban nyu.On the first place,bakit nyu  naman pag-uusapan ang physical appearance ng ibang players??!Dapat ang sasabihin lang sa locker room ay “putang ina nila,naka tsamba lang ang yayabang na!!” or “abangan  natin maya ang number 45,bugbugin natin sa labas!”…Ganon dapat!

hooomayghed!!Lakas maka boy band ang mga peg!
                                                                                Lakas maka boy band ng mga peg!

8.) Instagram Syet-Bilang isang macho sa hardcourt,wala kang karapatang mag-self pics during or after ng game tapos i-fifilter mo sa instagram!Bakit,kelan  mo ba nakitang ginawa yan ni Kobe Bryant?Michael Jordan?Mark Caguioa??Uu brod dun  na tayo,nagpapakulay ng buhok si caguioa pero hindi yan gumagamit ng instagram!Twitter lang tsaka FB status na “fuck  olats!”…

9.) Shower Assasin-Ang tunay na lalake ay mabilis maligo.Hindi ka dapat tatagal ng 5minuto sa shower room.Hindi mo rin pweding hiramin ang sabon ng ka teammate mo habang “on-going” kayong naliligo ng sabay.Bawal din ang “eye contact” habang nagsasabon dahil puwede kang batuhin ng  tabo sa mukha pag ginawa mo yung malandi ka!!Pagkatapos mag shower,kelangan magbihis agad.Hindi yung ibabalandra nyu  pa ang mga bakat  ng  brief nyu sa isat-isa.Pwe!

10.) Hug Chenelen-Kung merong National Hugging Day sa Amerika,sa basketbol  naman eh  nangyayari din ang ganitong eksena tuwing crucial game.Legal at tanggap sa mundo ng sports at sa kahit anung uri ng palakasan  na magkaroon kayo ng “hugging” sa kapwa mo players.May dalawang uri to.Yung group hug at yung individual hug.Focus tau sa pangalawang  nabanggit.Pag regular game lang,dapat maximum  ng 5seconds yun at lalagyan mo ng kunting tapik sa ulo.Pag lumampas yun  ng 5seconds,nagiging double meaning na yun at considered as baklaan moments na yun sa court.May exeption  tau dyan,pag Championship game pwede mong yakapin ang kapwa mo  basketbolista up to 10seconds only.Given  naman kasi na uhaw ang team  nyu sa title at overwhelming na emotions.Pero wag naman yung tipong kulang nalang ilabas mo ang dila mo at i-lips to lips mong hayup ka!!
foul to brod!!duhhhh???
                                                                                            foul to brod!!duhhhh???

Marami pa yan pero yan lang talaga ang alam ko so far.Kaya kung nangangarap kang maging isang magaling na basketbolista,dapat isapuso mo muna ang 10 bagay na yan.Saka mo na pag- ukulan  ng pansin ang shooting at dribbling.Mag focus ka  muna sa mga sinabi ko.Trust me pare,ginawa ko na lahat yan!kaloka lang!hihihi…

About machopapadinkita

Isang malibog na Inhinyerong Sibil na nagmula pa sa kabundukan ng Roxas Palawan.Medyu mabait pero walang abs.Yan-yan ang palayaw ko but my friends call me "cima"..want some more?Okey sige,bisitahin nyu naman ako at magkuwentuhan tayo sa http://machopapadinkita.wordpress.com/